Saturday, October 25, 2008

Pera ni Jennylyn, hawak ng manager

Joe Barrameda

Nagpalabas na rin ng statement ang kampo ni Rowena Fulmono o Tita Mel sa showbiz, ang dating alagad ni Becky Aguila na pinagbibintangang nagnakaw ng kung anu-ano sa mga alaga ni Becky.

Sabi ni Tita Mel, walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya at alam daw ‘yan ni Becky Aguila.

Sa tulong ng abogado na ibinigay sa kanya ng mga nakakaalam daw ng tunay na istorya, sa tamang forum sila haharap para sagutin ang mga akusasyon.

Ayon kay Tita Mel ay si Jennylyn Mercado pa raw ang may utang sa kanya sa mga inabono niyang gastusin kina Jen.

Hindi nga namin maisip na susugurin ni Jennylyn ang bahay ni Tita Mel habang ang huli ay tulog. Kukunin daw ni Jennylyn ang mga alahas at kung anu-ano?

Parang pangit yata sa itsura ni Jennylyn na basta papasok sa bahay ng bahay ng may bahay at kukunin kahit anong gusto niya kahit may utang o atraso sa kanya ang may-ari ng bahay.

Mas mabuting kausapin niya nang maayos ang may atraso. Nagtataka rin kami kay Jennylyn kung bakit hindi siya ang humahawak ng perang pinagkakakitaan niya.

Balita namin, ang manager niyang si Becky ang humahawak ng pera niya.

***

0 Comments:

Post a Comment

<< Home