Thursday, November 27, 2008

Abu Talamzik

Dumalo si Patrick Garcia sa celebrity premiere ng Twilight nu’ng Martes nang gabi sa Trinoma kaya dinagsa ito ng mga reporter para makunan na ng pahayag tungkol sa kanila ni Jennylyn Mercado.

Hindi pa raw niya nakita ang kanyang anak kay Jennylyn. Nasasaktan si Patrick dahil ginawa na raw niya ang lahat ng paraan para mapakiusapan si Jennylyn na makita ang kanyang anak, pero wala raw nangyari.

Nagpalit ng phone number si Jennylyn kaya hindi na raw niya alam kung paano ito makokontak.

Ngayong nasa Amerika pa si Jennylyn, pwede niyang sadyain para makita ang baby pero ayaw niya dahil gusto niyang may basbas ng young actress.

Hindi raw niya napanood ang interviews kay Jennylyn, pero nakara­ting sa kanya na tila binura na siya sa buhay ng dating kasintahan.

“Well, I guess she should understand that it’s not about me and her anymore, it’s about the baby,” pahayag ni Patrick.

Lalong gumuwapo si Patrick at mukhang pinaghahandaan niya ang pagbabalik sa showbiz, pero nagsalita siya sa Startalk na babalik lang siya sa pag-aartista kapag nakita na niya ang kanyang anak.

Sakaling patuloy pa rin itong ipagkait sa kanya ni Jennylyn, pag-iisipan niya kung mag-aartista pa siya.

Nagtatrabaho ngayo­n si Patrick sa kumpanya ng kanyang ama sa Laguna.

Balak ng kanyang Daddy na magretiro na kaya baka siya at ang kapatid nito ang magpapatakbo ng naturang kumpanya.

Pinag-aaralan niya ang tamang trabaho sa kumpanyang iyun at baka iyun na ang susunod niyang career kung hindi na siya magsu-showbiz.

Dapat ay kasama ni Patrick nu’ng gabing iyun si Glaiza de Castro pero hindi ito nakarating dahil nasa taping pa raw ito sa Pampanga.

Nilinaw ni Patrick na magkaibigan lang sila ni Glaiza at wala pang ligawan factor.

Kung sakali, pwede siyang ma-in love muli pero hindi pa niya masagot kung kay Glaiza ba mababaling ang kanyang pagtingin.

“Everybody has the right to be happy. I’m open in making friends. Relationship is not yet in my mind. But now, let’s just enjoy life,” patuloy ng aktor.

Nasa Amerika pa si Jennylyn at babalik siya rito first week of December pero aalis din daw agad pa-Dubai para sa show nila roon ni Mark Herras.

***

0 Comments:

Post a Comment

<< Home