Tuesday, November 04, 2008

Abu Tilamzik
Abante-Tonite
11/04/2008

PAGKATAPOS lumabas ng ina ni Patrick Garcia sa Showbiz Central nu’ng Linggo, nagdesisyon ang management ni Patrick na tahimik na rin muna siya sa ngayon lalo na’t pagdating sa isyu nito kay Jennylyn Mercado.

Napagkasunduan na rin ng mga magulang ni Patrick at ni Arnold Vegafria (manager ni Patrick) na magpahinga muna ito sa showbiz.

Pagbalik ni Patrick galing Canada ay kinausap daw nito ang Daddy niya na magtrabaho muna ito sa kumpanya ng ama niya.

Binigyan ito ng chance ng Daddy niya na magtrabaho sa office nila sa Laguna, kaya araw-araw itong pumapasok doon.

Minsan ay nagugulat daw ang handler ni Patrick na biglang sumusulpot ito sa office nilang naka-barong.

Talagang executive daw ang dating ni Patrick at nag-e-enjoy naman daw ang aktor.

Pagkatapos daw nitong mag-office ay nagdyi-gym ito. Medyo umi­tim daw si Patrick pero bagay raw sa kanya. Gusto raw ni Patrick na maganda ang katawan bago siya bumalik sa pag-aartista bilang paghahanda na rin sa mga daring role na maaaring ibi­gay sa kanya.

Nagpapasa­lamat daw si Patrick dahil kahit paano, may fans na nagpapara­ting sa kanya ng information tungkol sa kanyang anak kay Jennylyn.

Hindi nito masabi kung makikita pa ba niya ang kanyang anak, pero mabuti’t may mga ilang nagmalasakit na nagba­balita sa kanya tungkol sa kanyang baby.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home