Sunday, November 23, 2008

Allan Diones


TALBOG ni Alessandra de Rossi ang nagseseksihang co-stars niya sa filmfest entry na One Night Only na sina Kat­rina Halili, Diana Zubiri, Valerie Concepcion at Jennylyn Mercado.

Sa presscon kasi ng movie ay pinapili ang co-stars nilang sina Ricky Davao, Paolo Contis at Joross Gamboa kung sino ang pinakagusto nilang maka-‘one night only’ (o maka-one night stand?) sa limang bida ng pelikula.

Parehong si Alessandra ang choice nina Paolo at Joross.

Ang dayalog ng pil­yong si Paolo, “Si Alex. Kasi, walang tigil ang bibig niya sa kakasalita. Baka sakaling magamit niya ‘yung bibig niya. Titingnan ko kung may silbi ang bibig na ‘yon!”

Dagdag pa ni Pao, “Kung pwedeng sabay-sabay sila, bakit hindi? I’ll try!”

Ang description ni Paolo kay Katrina ay seductive, kay Diana ay mabait, kay Valerie ay charming, at kay Jen ay mabait din at kaibigan ang kanyang tingin.

“At saka kapapanganak lang ni Jen. Pwedeng scorer na lang siya?” hirit pa ng malokong si Paolo.

Ang sey naman ni Joross, “Si Alex, kasi total package. At saka mukha kasi siyang magaslaw. Madaldal siya. Mukhang magiging marathon!” sabay tawa nito.

Safe ang sagot ni Kuya Ricky. Hindi raw one night lang ang hihilingin niya kundi five nights dahil gusto niya ang iba’t ibang qualities ng limang girls ng ONO.

Si Alessandra ay parang anak na raw ang tingin niya. Siya raw ang ‘nakauna’ kay Alex dahil ni-rape niya ito sa pelikulang Azucena.

Funny, walang tigil ang bunganga at masa­yang kasama ang pag­lalarawan ni Kuya Ricky kay Alex.

Si Valerie ay crush daw niya nu’ng una pa lang niyang makita. Si Diana ay mabait ang kalooban at napatunayan niya ‘yon nang sumama ito sa kanya para puntahan ang isa niyang kaibigang akala niya ay mamamatay na, na paborito si Diana.

Si Jen ay hindi niya pa nakikilala kaya wala siyang masabi. Ang ka-‘loveteam’ niya sa mo­vie na si Katrina ay vavavoom ang kaseksihan at wala nang hahanapin pa. Pero from top to bottom ay ‘very shy’ ang des­cription ni Kuya Ricky kay Kat.

Reaksyon ng hitad na Alex, “Ang lakas-lakas pala ng sex appeal ko! Everybody wants me and everybody wants to be me!”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home