Sunday, November 09, 2008

By: Nitz Miralles

MATAAS ang ratings ng first part ng special episode ng Dear Friend last Sunday na nagtampok sa tambalan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Sa 16.7 percent ratings, halatang na-miss ng viewers ang pagsasama ng dalawa at siguradong susubaybayan ang pagtatapos mamaya ng two-part episode.

To Love Again ang title ng episode mamaya at malalaman kung sa pag-uwi ni Toni (Jennylyn) from the States ay magkakabalikan ba sila ni Alex (Mark). Sino ang pipiliin ni Alex kina Toni na nang-iwan sa kanya at si Faye (Ryza Cenon) na nagpasaya sa kanya at tumulong para makalimutan niya si Toni?

Kasama pa rin sina Jana Roxas at Mike Tan sa Dear Friend sa direksyon ni Don Michael Perez. Guest performer si Lovi Poe at hosts sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

Ngayong puwede na siyang magtrabaho, sunud-sunod na uli ang project ni Jennylyn sa GMA 7 at aabangan ng fans nila ni Mark ang TV remake ng Paano Ba Mangarap at ipi-feature pa siya sa Obra. Walang rason para umalis siya sa Ch. 7 at lumipat sa ibang network.

“Nag-swear ako sa GMA 7 na exclusive ako sa kanila. Hinihintay ko nga ang exclusive network contract ko. May trabaho ako rito, walang dahilan para lumipat,” say ni Jennylyn.

Samantala, first Christmas ni baby AJ this year at plano ni Jennylyn na regaluhan ang anak ng interactive educational DVD na makakatulong para matuto siya kahit hindi pa nag-aaral.

* * *

0 Comments:

Post a Comment

<< Home