Sunday, November 02, 2008

c/o mayflower0510

Lifted from Erlinda Rapadas' column(Bulgar 2 Nov. 2008)

Masaya at aktibo na naman ang mga fans at supporters ng Jennylyn Mercado-Mark Herras loveteam. Nabuhayan sila ng pag-asa at kung gaano kainit ang supporta nila noon sa iniidolong loveteam, muli nila itong ibabalik at bubuhayin ang fans club na pansamantalang nagpahinga. Sinadya raw ng tadhana namuling pagtagpuin ang tambalang tinangkilik noon ng maraming kabataan. Who knows baka nga sina Jennylyn at Mark ang itinakda para sa isa't-isa.

Desidido naman si Jen na buhayin at itaguyod nang mag-isa ang naging bunga ng pagmamahalan nila ni Patrick Garcia. Isang malaking leksiyon sa buhay ang kanyang natutunan.

Pero marami sa mga kaibigan ni Jen ang nagpapayo sa comebacking actress na huwag na nitong sagutin-patulan ang kampo ni Patrick especially ang Mommy nito na very vocal sa pagsasabing hindi niya kasundo ang ex-gf ng anak, tutal naman ay nakaraos na siya sa malaking pagsubok sa buhay at binigyan siyang muli ng magagandang projects ng Siyete.

Paninindigan na niya ang pagiging single mom, magmoveon at muling harapin ang kanyang career. Marami namang susuporta at magbibigay ng morale booster kay Jen, especialy Mark Herras at ang buong tropa ng SSI.

Puwedeng-puwede pang makabawi ni Jennylyn. Ang programang Dear Friend kung saan muli silang pinagsama ni MH ang nagbukas ng pinto para sa pagbabalik-tambalan ng dalawa.

Pahkatapos ng two-part episode nila sa Dear Friend na magsisimula ngayong linggo nang hapon at sa next Sunday ang karugtung, nakaline-up na rin si Jen sa OBRA after Iza Calzado.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home