Wednesday, November 26, 2008

FIRST READ ON PEP: Patrick Garcia denies seeing his son with Jennylyn Mercado

Ruel Mendoza ll Wednesday, November 26, 2008ll 09:47 AM

Naging mailap si Patrick Garcia sa media magmula nang bumalik siya sa Plipinas last October. Marami ang gustong ma-interview siya para mahingan ng ilang pahayag tungkol sa mga lumabas na mga intriga sa kanya, pero hindi nagpaunlak ng interview ang batang aktor.

Kaya nang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Patrick sa celebrity premiere ng Hollywood movie na Twilight sa Trinoma Mall kagabi, November 25, ay hindi na namin siya pinakawalan at agad na tinanong tungkol sa mga kontrobersiya sa kanya.

Una ay ang tungkol sa balitang nakita na raw niya ang baby niya kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz. Nagsalita kasi noon si Jennylyn na never daw niyang ipapakita kay Patrick ang anak nila.

Sabi naman ni Patrick, hindi totoo ang balita. Nagulat nga raw siya kung bakit may nagsulat na nakita na niya ang baby niya.

"It's not true. But I am hoping that I will see him soon," maikling pahayag ni Patrick.

Tungkol naman sa balitang naghahanap daw siya ng legal assistance para kahit papaano ay makita at mahawakan niya ang kanyang baby, ito ang sagot ni Patrick: "No comment muna ako diyan. I don't really want to talk about it. Malalaman n'yo naman if all of that is true or not. For now, let's talk about other things na lang."

Tungkol naman sa napabalitang date nila ni Glaiza de Castro sa concert ng international singers na sina Rihanna at Chris Brown sa The Fort noong November 16, hindi naman ito itinanggi ni Patrick. Hindi lang naman daw sila ni Glaiza ang magkasama kundi pati ang magkasintahan na sina Paolo Contis at Isabel Oli.

Bakit si Glaiza ang napili niyang gawing date?

"Bakit naman hindi," sabay ngiti ni Patrick. "I see nothing wrong in asking Glaiza out to the concert. I asked her and she said yes naman. Kasama naman ang ibang friends namin, like Paolo and Isabel, kaya it was a fun night."

Dagdag niya, "We're getting to know each other now. What I can say now is that Glaiza is a friend, and there's nothing wrong in having a new friend."

Inusisa rin namin kung ano ang ginagawa ni Patrick ngayon, lalo na't wala pa naman siyang bagong show na pinagkakaabalahan. Sabi ni Patrick, he is spending a lot of his time with his dad sa bahay nito sa Ayala, Alabang. Marami raw silang ginagawang mga activities at masaya si Patrick dahil muli niyang naka-bonding ang kaniyang ama.

"I'm taking things slow muna since I came back," sabi niya. "It's my decision to spend lots of time with my dad. We've been doing lots of things lately and na-miss ko lahat 'yon. Since wala pa naman akong trabaho, I'm taking this opportunity to be with my dad."

Tungkol naman sa pag-aaral ni Patrick sa San Francisco, California, sinabi nito na naging maayos naman daw ang kursong kinuha niya doon. Nag-leave muna siya sa school dahil kailangan niyang um-attend ng kasal ng kapatid niyang si Chesca sa basketbolistang si Doug Kramer last October.

"But I will be going to finish the course," banggit ni Patrick. "Baka early next year na because I'm still on vacation. Kung may biglang trabahong dumating, okey lang since nandito naman ako ngayon. But right now, I'm enjoying every minute with my family."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home