Sunday, November 02, 2008

Former handler of Jennylyn Mercado claims missing money of young actress went to Becky Aguila

Glen P. Sibonga
Sunday, November 2, 2008
02:28 PM

Sa interview ng Startalk sa dating handler ni Jennylyn Mercado na si Mel Pulmano, sinabi nito na handa siyang harapin ang kasong isinampa ni Jennylyn at handa ring siyang sagutin ang mga paratang ni Becky Aguila.

Matatandaang nag-file na last October 28 na kasong qualified theft at falsification of documents si Jennylyn kontra kay Mel. Kasama ni Jennylyn sa pag-file ang kanyang manager na si Becky Aguila at ang kanilang abugado na si Atty. Joji Alonso.

"Kasi alam ko magsasampa sila ng kaso. Kaya sila nade-delay kasi wala silang makuhang ebidensiya," ang sabi ni Mel sa Startalk. "Hanggang si Becky nga ay tinatakut na ang kung sinu-sino na malalapit sa akin, na pinapagawa nila ng statement. Kaya natagalan sila kasi walang gumagawa ng statement."

Last October 29 ay nakipag-usap na rin si Mel sa kanyang abugado na si Atty. Noel Bulaong.

Sa sinasabi ni Jen na sinubukan niyang kausapin si Mel pero pagdating sa bahay nito ay nakapikit lang daw si Mel at ayaw dumilat, heto ang sagot ni Mel: "Hinarap ko si Jen. Pero ang problema tulog ako, e. Hanggang four days akong tulog. Kaya siguro hinarap ko siya kahit tulog ako."

Ang mahabang pagkatulog ni Mel ay dahil daw diumano sa ininom niyang Valium na sinabi raw ni Becky na inumin niya.

"Talagang parang lantang gulay naman ako kung makikita daw nila ako. Kung sasabihin ni Jen na nag-iinarte ako, bakit niya ako dadalhin sa ospital? Naawa si Jen sa akin, e. Pero si Becky ang nagsasabi sa kanya na, 'Huwag mong dalhin sa ospital. Nagloloka-lokahan lang iyan. Nag-aarti-artista lang.' Si Becky ang nagsasabi nun kay Jen."

ONE-SIDED. Nagkomento pa si Jen sa pagkampi ni Jen kay Becky.

"One-sided siya, e. Sana si Jen hindi siya one-sided. Ngayon na lang na ganito ang situwasyon, dapat...Tine-text ko siya, e, pati si Mommy Lydia (adoptive mother ni Jen), hindi ako sinasagot. Hindi ako nagmamalinis. Sasabihin ko kung ano yung katotohanan."

Sinasabi niyang mahal niya si Jen, ginusto ba niyang umabot sa ganitong level ang kanilang relasyon?

"Hindi, hanggang ngayon naman mahal ko naman siya, e. Tinext ko nga siya, e. Sabi ko, 'Kung mahal mo pa rin ako at itinuturing mo akong tita, kausapin mo ako.' Pero hindi siya nag-textback.

"Kasi ang ginawa ni Becky, magaling, e...Pinangunahan niya agad ako habang tulog ako. Kinausap niya si Jen. 'Eto ang gagawin mo. Nagpapa-interview daw si Mel. Sinabing nagpalaglag ka daw.' Dun lang si Jen nagalit sa akin. Sabi nga ni Mommy Lydia, bilin ni Becky kay Jen na huwag akong kausapin."

Ano ang message niya kay Jen?

"Jen, malalaman kung ano ang katotohanan, kung anong merong ugali yung manager mo na si Becky Aguila."

WHERE JENNYLYN'S MONEY WENT. Nang tanungin si Mel kung saan napunta ang perang hinahanap ni Jen, tahasan nitong sinabi na, "Kay Becky Aguila! Check mo yung account ko, wala akong ganun, e. Check mo sa bahay ko, wala. At saka hindi ako nagpapa-lipo, di ba? Hindi ako nagka-casino."

Bukod sa kontra demandang isinampa ni Mel, isa pang kaso ang isinampa kay Becky ang nauna na nitong inihain sa Department of Labor and Employment (DOLE).

"Nagsampa ako noong October 12 sa DOLE, sa Department of Labor. Idinemanda ko si Becky ng illegal dismissal, salary wage, overtime pay, holiday pay, holiday premium, rest day payment, 13th month pay, separation pay, non-payment and moral exemplary damage and attorney's fee. Meron kaming first hearing ng November 12, 2:30 p.m., sa Department of Labor."

THE EFFECT. Dagdag pa ni Mel, hindi biro ang naging epekto nito sa kanyang pamilya particular na sa kanyang mga anak.

"Na-trauma yung mga anak ko. Umiiyak siya, si Bianca, ayaw niyang pumasok sa school. Noong lumabas nga sa kabila (ABS-CBN) yung mga paratang sa akin, tapos sinabi yung tunay kong pangalan, ayaw pumasok ng anak ko kasi baka tanungin siya ng kaklase niya, teacher niya. Ano daw ang isasagot niya? Kaya hindi siya nakapasok. Pero noong ipinalabas ako sa Startalk, gumaan yung loob ng anak ko. Ang daming nagte-text sa kanya na nagsasabing naniniwala sa akin, sumusuporta sa akin. Kaya pumapasok na siya. Mas naiintindihan na niya."

Ano ang message ni Mel kay Becky?

"Magpakatotoo siya. Huwag na niyang dagdagan pa yung mga taong niloko niya. Naloko na niya GMA Network, malaking network na, ako pa. E, paano pa yung ibang tao? Paano pa yung mga alaga niya?"

Pero ayon kay Mel, bukas pa naman siya sa pakikipag-usap at pakikipag-ayos kina Becky at Jen.

"Willing akong makipag-usap. Tinext ko si Becky. Ang sagot sa akin ni Becky, 'See you in court.' Guilty si Becky Aguila! Alam niya kasi wala siyang ano, e...alam niya malinis siya. Alam niya hindi ako magsasalita. Kaya kinukuha niya yung atensiyon ni Jennylyn at ng mga artista niya."

"Sabi ni Becky, 'See you in court.' Paano niya ako ise-see-you-in-court, e, hindi niya ako idinemanda. So, idedemanda ko siya, ganun, para see you in court kami. Sige, Becky Aguila, see you in court. Kasi, di ba, talaga namang magkikita kami sa court? Kasi alam ko sasamahan niya si Jen."

"Kasi, bakit si Jen ang pinu-push niya na magdemanda? Bakit ang kinuha niyang lawyer, lawyer niya? Para hindi siya idemanda ni Jen, di ba? Kumuha siya ng mag-o-audit ng payment ni Jen simula 2004, bakit accountant din niya? E, di malinis. Ganun pala yun," saad ni Mel.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home