Sunday, November 23, 2008

Jennylyn, ayaw makipag-relasyon sa tomboy!



Wala ngang choice si Je­nnylyn Mercado kundi ang grumadwety na sa mga teeny bopper na roles. Matapos nga niyang manganak, naisip niya na dapat lang na mga mature roles na ang gawin niya, tulad ng role niya sa One Night Only.


“Ibang Jen na ang makikita ng tao. Someone who’s more mature, more open to more challenging roles. Even if I was working hard before and juggling a busy schedule bago ako mag-break from showbiz, puro mga light roles ‘yung mga ginagawa ko compared to the work opportunities that I’m open to doing now,” sabi ni Jennylyn.


Natutuwa nga si Jennylyn na mas pinupuri-puri pa ang kaseksihan niya ngayon, kahit may anak na siya, kesa nu’ng dalaga pa siya.


“Mas payat pa nga ako ngayon. Nakakatuwa naman, kasi sinasabi nila na parang hindi raw ako nanganak.


“So, mas bagay nga na medyo mature level na ang gawin ko ngayon.


“Honestly, napabilis nga ang comeback ko sa movies. Nu’ng nanganak ako, inisip ko, ano kaya ang movie na bagay sa akin. Sabi ko, sana huwag naman masyadong heavy. At nagkataon naman na comedy itong One Night Only.


“Mas gusto ko talaga na mag-comedy muna. I’ve had too much drama na in personal life, kaya heto ganito na muna ang gagawin ko, para maiba.

After this, I’ll go for more serious roles.”


“Ang daming nagtatanong sa akin, bakit mo tinanggap ang comedy? Sabi ko kasi this is my first, comeback movie and I want it to be light muna.


“After this, at saka na ako sasabak. This one, okay lang. Kasi nabasa ko rin ‘yung script, super fun. Just what I need, eh ‘yung buhay ko lagi na lang malungkot. Lagi na lang akong umiiyak. So, parang this time, sige, iba naman subukan natin.”


Siyanga pala, papel ng isang simpleng babae, na minahal ng friend niyang tomboy, ang ginampanan ni Jen sa One Night Only.


Sa tunay na buhay, hindi raw mai-in love o papatol si Jen sa isang tomboy.
“Hanggang friends lang talaga ang puwede kong ibigay.”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home