Wednesday, November 12, 2008

Jennylyn Mercado, mahigpit na ipinagbilin sa mga yaya na ‘wag ipakita ang anak sa ama nito?!

Written by Tita Swarding
November 11, 2008



HINDI PA RIN mamatay-matay ang isyu tungkol kina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Habang wala nga itong si Jennylyn sa bansa, at busy sa kanyang shows abroad ang dalagang ina, mahigpit umano niyang ibinilin sa mga nagbabantay sa kanyang anak na hindi dapat ipakita ito sa amang si Patrick.


Ayon sa nakarating na chika sa akin mula sa aking Parazzi girl, kahit anino raw ng bata, hindi dapat makita ni Patrick, huh! Ibig sabihin, malaki ang galit ni Jen kay Patrick, at hindi pa rin niya ito napapatatawad, huh!


Nakatanggap raw umano si Jen ng balita na gusto raw makita ni Patrick ang anak nito, kaya ganu’n na lang daw umano kung ipagbilin ni Jen ang anak sa mga yaya nito, huh! Nakakaloka naman! Labis nga raw kasing nasaktan si Jen sa mga ginawa ni Patrick noon. Naku, ha! Si Patrick, parang nakarma, na kahit isang show, wala. At naglaho na lang itong parang bula. Parang bigla na lang siyang kinalimutan ng mga tagahanga, huh!


Dagdag pa ng aking Parazzi girl, kahit pilitin raw umano na itambal si Jen kay Mark Herras, lalo ngayong balik-love team ang dalawa sa Dear Friend, malabo na raw maibalik ang dating ningning, dahil nawala si Jen sa showbiz pansamantala, humina rin ang dating ni Mark, huh! Nang magbalik nga raw si Jen, balik din si Mark, kaya lang mahirap na ngang maibalik ang dahil nilang timatamasang kasikatan, huh! ‘Yun na!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home