Tuesday, November 04, 2008

Jennylyn Mercado, Mark Herras and Joel Lamangan in Paano Ba Ang Mangrap

Hindi pala ang TV remake ng Tinik sa Aking Dibdib ang gagawing
afternoon soap nina Jennylyn Mercado at Mark Herras, kundi ang TV
remake ng Paano Ba Mangarap? nina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Si Eddie Garcia ang director ng pelikula at ang TV remake ay ididirehe
ni Joel Lamangan. Bale reunion nilang tatlo ito, dahil naidirek na
sina Jennylyn at Mark ni Joel sa pelikulang Blue Moon a few years ago.

Ang Paano Ba Mangarap? ang papalit sa Una Kang Naging Akin, kaya
kailangan nang mag-taping nina Jennylyn at Mark.

Kaya pala ’di makapag-comment si Jen nang tanungin namin tungkol sa
Tinik… dahil ibang project ang alam na gagawin.

Ang Paano Ba… ang next project nila ni Mark after Dear Friend, na ang
ending ay mapapanood sa November 9.

Timing ang pagdating ng maraming projects kay Jennylyn dahil nag-iipon
siya para sa binyag ng kanyang baby. Ang final 4 ng StarStruck 1 na
sina Mark, Rainier Castillo at Yasmien Kurdi ang ninong at ninang ni
baby AJ plus Nadine Samonte at Katrina Halili.

Natawa kami sa description ni Jen sa anak na “sumpungin” at “laging
naka-simangot.” Kanino kaya nagmana ang bagets?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home