Saturday, November 29, 2008

Jennylyn naging maldita at unprofessional nang magkaanak?

THAT'S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs Updated November 29, 2008 12:00 AM

Pinatunayan ng ilang ulit nilang paglabas sa Dear Friend na mayroon pa ring following sina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Nanghihinayang lamang ako dahil parang ’di sila well-advised, lalo na si Jenny­lyn na sinasabi ng marami na maldita na raw at unprofessional. Katunayan mayro’n daw itong iniwang trabaho na nakatiwangwang at basta na lang daw umalis.

Hindi maganda ito para sa kanyang nagbabalik pa naman. Baka madamay pa niya ang magandang takbo ng career ni Mark na obviously makatutulong ng malaki sa kanya sa showbiz.

Hay, Jennylyn, mag-isip-isip ka, habang may panahon pa. Kung gusto mo ng isang magandang career, piliin mo ang mga priorities mo. Magsimula ka ng bago, don’t dwell on the past, start anew.

* * *

THAT'S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs Updated November 28, 2008 12:00 AM

Nakausap ko si Patrick Garcia at apektadong-apektado ito sa mga binibitawang salita ni Jennylyn Mercado.

Ang payo ko sa kanya ay asikasuhin na lamang niya ang kanyang career. Alam naman ng lahat na siya ang ama ng isinilang ni Jennylyn, hindi na ito magbabago kahit mayro’n pa siyang pagkukulang sa kanyang mag-ina. At kung may pagdududa pa sa paternity ng bata bakit hindi na lamang ito ipa-DNA?

1 Comments:

At 7:50 PM, Anonymous Anonymous said...

bkit naisip din ba ni patrick kung gano ka sakit ang ginawa nya kay jen???!!! puro sarili lang niya ( pat ) ang iniisip nya. Kung kailan nakaraos na si jen sa mga paghihirap na pinagdaanan niya sabay sulpot kna na nman dyan patrick. Nung kailangan na kailangan ka ni jen asan ka??? nagpapasarap at pabakasyon- bakasyon ka lang, nag wake boarding at nakikipag date kpa kay glaiza. Ang kapal din nman ng muka mo noh patrick!!!

 

Post a Comment

<< Home