Saturday, November 22, 2008

Joe Barrameda
Abante Tonite, 11/22/08

Sa kalagitnaan ng preskon ng pelikulang One Night Only kamakalawa sa Marina restaurant, Timog Av., QC ay biglang nawalang ng power.

Nahinto ang Q&A sa mga artistang sina Diana Zubiri, Katrina Halili, Allesandra de Rossi, Valerie Concepcion, Paolo Contis, Ricky Davao at Joross Gamboa.

Hindi yata umayon ang power source sa mga isinagot ng mga artista na hindi pa sila nakaranas ng ‘One Night Only.’ Gusto raw bumuka ng bubong sa mga oras na iyon.

Wala si Jennylyn Mercado sa preskon dahil nasa Amerika pa ito. Disyembre 2 dapat ang balik ni Jennylyn pero nagpaurong pa daw ito ng December 5.

Nag-aalala ang mga taga-OctoArts na baka maging cause of delay si Jennylyn sa post production.

Hindi pa yata nakapag-dubbing si Jennylyn. Kung matatagalan pa siya ay baka ipa-dub na lang ito sa iba.

Si Valerie Concepcion ay paalis din papuntang Amerika for a show pero nakapag-dubbing na raw ito.

***

Jun Nardo
Abante 11/22/08

excerpt

NAIINGGIT si Katrina Halili kay Jennylyn Mercado dahil seksi pa rin daw ito kahit nakapanganak na.


“Inggit talaga ako kay Jen dahil ang seksi-seksi pa rin niya, to think na nabuntis siya at nakapa­nganak na, huh! Puwede na nga rin akong mag-baby ngayon!


“Joke lang! Ha! Ha! Ha!” pag-amin ni Katrina nang makatsikahan namin sa presscon ng One Night Only ng OctoArts Films.

***

Mario Bautista
People's Journal

excerpt

What can she (Katrina) say that she's now the hottest star among her batchmates in Starstruck 1, especially after Jennylyn Mercado became an unwed mom? "Ay, hindi ko po iniisip yun. I think makakabalik pa si Jen nang bonggang-bongga dahil kasama nga siya sa 'One Night Only.' It's also not true na ako ang bida sa movie dahil pantay-pantay lang ang roles namin nina Jen, Diana Zubiri, Valerie Concepcion and Alessandra de Rossi."

***

Ian Farinas
People's Journal

excerpt

NASA Amerika pa si Jennylyn Mercado kaya wala sa presscon ng One Night Only, Metro Manila filmfest entry ng OctoArts Films, nu’ng Huwebes ng hapon.

Bentahe kay Jen ang hindi pagsipot sa presscon, dahil kung nagkataong narito ang aktres, mapipilitan siyang sagutin ang isyu tungkol sa kinasuhang staff ng manager na si Becky Aguila at ang paggu-group date ni Glaiza de Castro at Patrick Garcia, ama ng baby niyang si Jazz.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home