Monday, November 17, 2008

Manager ni Jennylyn, inako ang blind item

Joe Barrameda
November 17, 2008


PUNUMPUNO ng panunumbat ang text message na natanggap ko mula sa talent manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila noong Sabado nang madaling-araw.

Hindi yata busy si Becky kaya may oras siya na mag-react sa mga isinusulat ng mga entertainment writer:

“Jobar, nxt tym b4 u write, u get ur facts streyt fr d horses mouth. Pati ba naman co-writer mo, tinira mo? Ang sama ng blind item mo. Patunayan mo ‘yan na cinabi talaga ni Jen ‘yan, ha?

“Pwede ka naman 2mawag 2 verify. Tnanong ko c Tita Lydia, nag-deny sya. Wala daw sya alam dyan.

“Ano naman ‘yung mismong big boss ang 2mulong ng pampinansyal na pangangailangan ni Jen nung panahon na walang trabaho si Jen?

“Nagbigay sya ng pam-buena mano sa bata. ‘Yan ang totoo. Gawin mo nga maige ang assignment mo. Alamin mo kung ano talaga ang totoo. Nakakainsulto ka.”

Opo, nag-react si Becky Aguila sa blind item na isinulat ko at lumabas noong Sabado.

Inako niya ang blind item.

Parang sinabi niya na siya talaga ang sangkot sa isyu.

Bakit bayolente ang kanyang reaksyon? Bago niya ako sabihan na patunayan ko kung totoo ang isinulat ko, patunayan muna niya kung siya nga ang subject ng blind item.

Hindi ko ugali ang mag-imbento ng balita. Hindi ako nanloloko ng kapwa.

Walang karapatan si Becky Aguila na utusan ako kung ano ang dapat kong gawin.

Marami pang text message na ipinadala si Becky sa akin. Hindi ko na sinagot ang iba niyang pagtataray.

Talagang dapat main*sulto si Becky. Inaako niya na siya ang subject ng blind item.

Kung inaakala niya na siya ang subject ng blind item, siya ang may problema. Hindi ako.

Pinagmumukha niyang guilty ang kanyang sarili.


***

Aktres, naloka sa pautot ng manager
(JOE BARRAMEDA)
November 15, 2008

http://www.abante-tonite.com/issue/n...ent_story4.htm


NALOLOKA ang isang aktres sa mga balita na diumano’y sa kanya nanggagaling at isinusulat ng PRO na binabayaran ng kanyang manager.

Ayon sa aktres, ang manager lang ang gumagawa ng mga istorya na pinapalabas nito sa bayarang PRO na sunud-sunuran sa mga dikta ng nagbabayad sa kanya.

May inilabas ang bayarang PRO na na kesyo sa aktres nanggaling, at ikinagulantang ng aktres.

Wala siyang natatandaang nakausap niya ang bayarang PRO. Pulos kasinu*ngalingan ang mga pinagsususulat nito. Mismong ang aktres ay naguguluhan kung paano nabe-brainwash ng kanyang manager ang PRO.

Takot ang aktres na kapag nagsalita siya tungkol sa manager ay baka mawalan siya ng trabaho.

Hindi ba alam ng aktres na mahal na mahal siya ng network na nagpasikat sa kanya?

Willing ang network na gastusan ang aktres sa mga pangangailangan niya.

Nu’ng panahong walang trabaho ang aktres ay mismong big boss ng network ang tumulong sa kanyang mga pampinansyal na pangangailangan.

Hindi na kami magugulat kung sa mga susunod na araw ay ang aktres na mismo ang magbulgar sa mga pinaggagagawa ng manager niya.

Talbog !


***

SEEN SCENE Updated November 17, 2008 12:00 AM

Scene : Lihim na nag-uusap si Jennylyn Mercado at ang kanyang dating road manager na si Mel Pulmano. May dapat ipag-alala ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home