Friday, November 07, 2008

Mark Herras, kinampihan si Jennylyn Mercado laban kay Patrick Garcia

Allan Diones


BIDA si Mark Herras sa unang indie film niya na Sapi na dinirehe ni Arnold Argaño.


Sa ending ng pelikula ay inako ni Mark na parang sarili niyang anak ang sanggol na iniluwal ng kanyang namatay na asawa kahit alam niyang hindi siya ang tunay na ama nito.


Sa totoong buhay ba ay kaya rin ni Mark na umako ng anak ng iba?


“Depende sa situation. Kung ganu’n din sa movie na asawa ko ‘yung tao, na hindi ko naman ginusto na mangyari ‘yon at if ever na may possibility na ma-hypnotize din ako.


“Kasi, ganu’n ang ginawa sa akin ni Manong (ginampanan ni Nanding Josef) sa pelikula, eh! Hindi ko naman pinayagan na gawin niya ‘yon sa asawa kong si Isay (ginampanan ni Aiza Marquez).


“Kung ganu’ng klase ng sitwasyon, oo. Pero kung talagang wala akong chance magkaanak sa totoong buhay, mag-aampon na lang ako. Kesa naman hayaan kong magkaanak sa ibang lalake ‘yung asawa ko. Sobra naman ‘yon!” bulalas ni Mark nang makausap namin siya sa press preview ng Sapi kamakalawa nang gabi sa CCP Dream Theater.


Puwedeng ikonek sa totoong buhay ang nangyari kay Mark sa pelikula. Ang dati niyang nobya na si Jennylyn Mercado ay nagkaanak kay Patrick Garcia.


Keri kaya ni Mark na tanggapin na parang kanya ang anak ni Jen?


“Basta asawa ko siya. Like for example, kami ni Jen, asawa ko siya, tapos, ganu’n ‘yung nangyari na hindi ko rin ginusto,” sey ni Mark.


Halimbawang magkabalikan sila ni Jen, kaya niya bang akuing anak ang baby nito kay Patrick?


“Hindi pa ako ready! Ha! Ha! Ha! Pero someday siguro, ‘pag naging kami ulit. Pwede naman siguro…”


Posible ba na maging sila ulit ni Jen?


“Hindi ko masabi sa ngayon, eh! Depende pa rin sa sitwasyon. Hindi pa rin natin masasabi na ‘pag ginawa namin ‘yung sinenobela namin, may possibility na maging maayos ‘yung trabaho, pero hindi magi­ging kami. May possibi­lity rin na maging kami,” dayalog ng 21-anyos na young actor.


Kamakailan ay nagkatrabaho na ulit sila ni Jen sa isang episode ng Dear Friend, wala bang mga nanumbalik na feelings?


“Wala, wala pa naman,” sagot niya.


So, posibleng next time ay meron?


“Baka. Hindi natin masabi, ‘di ba?”


Nakita na ni Mark ang anak Jen na si Alex Jazz. Wala ba siyang naramdaman na ‘lukso ng dugo’ nang makita niya ang baby?


“Wala naman. Walang gano’n,” natatawang pakli ni Mark.


“Pero nu’ng makita ko ‘yung bata, tulog eh! Pinagmamasdan ko, ngumingiti siya nang tulog.”


Ano’ng naramdaman niya nu’ng una niyang makita ang baby?


“Happy ako for Jen. I mean, based doon sa interviews niya, talagang ayaw niyang ipakita kay Patrick ‘yung anak. Happy ako for Jen dahil sobrang layo na niya compared doon sa dati.


“Sabihin na nating ako, dumaan ako sa pagka-immature, pero ‘yung bigla kang maging mature nang one click, na meron ka nang sarili mong dugo na binubuhay, na hindi na ikaw ‘yung pinakabata sa inyo na ikaw ‘yung inaa­lagaan…


“Meron na siyang obligasyon sa buhay. Which is para sa akin, ‘yung batang ‘yon ang magbibigay ng suwerte at magga-guide kay Jen. Parang little angel niya ‘yun, eh!”


Paano niya nasabing biglang naging mature si Jen?


“Sa taping namin, iba ‘yung nakita ko. Ibang-iba na ‘yung aura niya. Lagi niyang iniisip ‘yung baby, gano’n.


“Tapos, hindi naman siya nagkukuwento about Patrick, pero sa mga interview namin, hindi maiwasang itanong kay Jen kung may balak ba siyang ipakita ‘yung anak niya kay Pat. Talagang ayaw niya. Pero hindi naman ako nagtatanong tungkol doon.”


So, ano’ng feeling niya na ayaw ipakita ni Jen kay Patrick ‘yung bata, pero siya ay nakita na niya si AJ. Naunahan niya pa ang ama ng bata, huh!


“Ha! Ha! Ha! For me naman kasi, may right si Jen sa desisyon niyang ‘yon, eh! Sa naranasan niya with Pat, sa family ni Pat, na hindi maganda ‘yung pakikitungo kay Jen, may right naman siya na ipagbawal.


“Pero for me, opinion ko lang, sabi ko, someday, makikita rin ni Pat ‘yung bata.

Siguro not now na medyo magulo pa rin ‘yung utak ni Jen, ‘di ba? Na parang from a dalaga, bigla siyang nagkaroon ng anak na hindi siya ready.”


So, kelan pa? Pag­laki na nu’ng bata, gano’n?


“Hindi naman siguro, pero someday. I mean, hayaan na lang muna nina Pat na kahit paano, lumamig si Jen. Kasi, hindi rin biro ‘yung nangyari kay Jen.


“At saka paglaki nu’ng bata, magha­hanap at maghahanap ‘yon ng ama,” ani Mark.


Eh, nandiyan naman siya, ‘di ba?


“Ha! Ha! Ha! Eh, ninong lang ako, eh!”


Hindi pa raw alam ni Mark kung kelan ang eksaktong petsa na pabibinyagan ang baby ni Jen dahil wala pa itong sinasabi sa kanila.


Feeling ni Mark ay sa Disyembre ito pabibinyagan ni Jen. Sa Nobyembre 16 ay magtatatlong buwan na si Alex Jazz.


----------


Mark and Jennylyn ‘together’ again

By Dolly Anne Carvajal
Philippine Daily Inquirer
First Posted 22:36:00 11/03/2008


MANILA, Philippines—Mark Herras and Jennylyn Mercado are working together again. “Happy ako na nakabalik na si Jen,” Mark enthused. “Mas matured na siyang mag-isip after manganak.”

Doesn’t he have plans of wooing her back? “Ayoko munang ma-involve sa personal life niya. Kaka-comeback pa lang niya. Pero ‘di ko talaga masabi what will happen. I’m happy to be her friend and ninong to her baby AJ.”

Their closeness has transcended the “kilig” level. “It’s been three years since we broke up. Di na kami pa cute lang. Dami na naming napagdaanan as individuals. We’re stronger than before.”

Jennylyn Mercado is back in show biz but not (yet) in Mark Herras’ clutches.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home