Wednesday, November 12, 2008

Mark Herras says he will be godfather, not father figure, to Jennylyn's son

Archie de Calma

No less than an acting institution like Nanding Josef gave stunning praises for Mark Herras's professionalism on the set of the indie film Sapi. Walang pagsidlan ng tuwa si Mark sa narinig niya mula sa kanyang nirerespetong co-star sa nabanggit na pelikula. Pero taliwas raw ito sa hindi niya pagsipot sa first day of classes niya sa John Robert Powers.

"Nahihiya nga ako dahil alam kong pinagkaabalahan ng GMA-7 ang pag-i-sponsor nun [classes at John Robert Powers] para sa welfare ng mga artist ng network. Naghanda pa naman ako para doon. Talagang pati susuutin, slacks at polo, bawal nga raw ang denim pants. Kaso nga, ang dami kong dinaanan, like sinamahan ko pa ang daddy ko sa dentist niya.

"Sobrang late na ako kung tutuloy pa ako. Naunahan na ako ng hiya. Kapag ganoon, nagpapasabi na lang ako na hindi na ako sisipot. Nahihiya ako sa mga taong aabutan ko roon," paliwanag ni Mark nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Sapi na ginanap kanina, November 11, sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Magsasabay raw ang playdate ng Sapi, produced by Win Asia Pictures, at ng pelikula nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, at Iza Calzado, One True Love mula sa GMA Films at Regal Entertainment sa November 19. Dehado tiyak ang pelikula ni Mark, kahit na isa rin siyang GMA talent.

Gaano katindi ang suporta ng GMA-7 para naman sa pelikula ni Mark?

"Nadoon pa rin ang suporta siyempre, pero hindi ko na inaasahan yung mas matindi doon sa maibibigay nila sa Dingdong-Marian movie," sabi ni Mark. "Understandable yun dahil sila ang nag-produce nun, para sa GMA Films. Independent company naman yung sa amin, kaya sariling sikap din.

"Pero nagpapasalamat na rin ako sa GMA dahil kahit paano, okey sa kanila na mag-promote kami sa GMA-7. Nagpapasalamat na ako doon. Hindi ko na inaasahan na mas tutulungan nila ang project ko kesa doon sa Dingdong-Marian movie."

STILL STRONG. Maganda pa rin ang takbo ng career ni Mark kung tutuusin, at ang tangkang magpaka-aktor para sa Sapi ay inaasahan din niyang magpe-pay off. Sa TV, kailan lang ay napatunayan muli ang lakas ng tambalan nila ni Jennylyn Mercado sa stint nila sa Dear Friend na napakataas ng ratings.

"I'm so happy lang na naging consistent kami," sabi ni Mark. "Ibig sabihin, may asim pa rin ang Mark-Jennylyn tandem. salamat sa fans. Yung sa amin ni Jen, trabaho lang muna ito. Kasi ayokong lumabas na parang nanghihimasok pa sa buhay niya. Napapagbintangan na nga akong nakikisawsaw sa sitwasyon nila ni Patrick [Garcia, the father of Jennylyn's child]. Ayoko na ng ganoon.

"Pagkatapos ng nangyari, happy ako na magkatrabaho na uli kami. Nagwu-work uli yung loveteam kaya magko-concentrate din kami doon. May kanya-kanya pa rin naman kaming trabaho."

May financial problems din daw si Jen, at willing din daw tumulong si Mark dito kung sakali.

"Wala namang problema, pero wala siyang sinasabi. Sabi ko nga, mahirap pangunahan si Jen sa mga ganyan. Pero kung sakaling lapitan niya ako, bakit hindi ko siya tutulungan? Gagawin ko na lang yun alang-alang sa pinagsamahan namin. Besides, ninong naman ako ng anak niya, di ba?" saad ng binata.

Even as a father figure to Jen's baby, willing din ba siya?

"No, I don't think so," sagot ni Mark. "Kasi may ama naman yung bata. I can't fill Patrick's shoes. Sabi ko nga, ayokong mapagbintangang nakikisawsaw. Bilang ninong na lang ng anak nila, may responsibilidad ako. Hanggang doon na lang yun."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home