Wednesday, November 12, 2008

Mark, hindi makalimutan si Jennylyn

Abu Tilamzik
Abante Tonite, 11/12/08

PROUD na proud si Mark Herras sa indie movie niyang Sapi. Nasa press release na nagpaka-daring siya, pero sa role pala daring at hindi siya naghubad o nagpa-sexy.

Ipinagmamalaki ito ng young actor dahil pinaarte siya rito nang husto at nagawa niya nang maayos na ikinagulat ng co-stars niya.

Sa presscon ng Sapi kahapon, nagpapasalamat si Mark sa mga tumangkilik sa episode ng Dear Friend na pinagsamahan nila ni Jennylyn Mercado.

Dito napatunayan na may magic pa rin ang kanilang loveteam. Nagulat si Jennylyn dahil naalala pa ni Mark na anniversary ng kanilang relasyon nu’ng araw na mag-taping sila ng Dear Friend.

Aminado si Mark na sa lahat na nakarelasyon niya, si Jennylyn pa rin ang hindi niya makakalimutan at posibleng makabalikan niya kung sakali.

“Kaya lang, ugali ko kasi na kapag nakipag-break ako, hindi na ako nakipagbalikan,” mariing pahayag ni Mark.

Ang ibig sabihin nito, malabong magkabalikan sila ni Jennylyn.

Ayaw niyang magsalita nang tapos, pero natutuwa siya dahil nabalik ang magandang friendship nila ni Jennylyn pagkatapos nilang magsama sa Dear Friend.

Ang isa pang ex-girlfriend ni Mark na break na rin pala sa boyfriend nito ay si Lian Paz ng EB Babes.

Nakumpirma ko mismo kay Lian na break na sila ni direk Jeff Tan, at sinabi ni Lian na pahinga muna siya sa lovelife.

Tinanong ko rin si Mark kung pwede bang magkaayos sila uli ni Lian. Mas okay raw na magkaibigan sila ni Lian at feeling niya, hindi rin ito makipagbalikan sa kanya.
Ine-enjoy ni Mark ang pagiging single. Kahit date ay wala raw muna dahil marami siyang gustong gawin sa kanyang career at sa pamilya bago siya magka-girlfriend.
“Mas okay po ako ngayon na ganito na lang muna. Darating din naman iyan kung talagang meron na,” patuloy ni Mark.

***

0 Comments:

Post a Comment

<< Home