Monday, November 17, 2008

Patrick Garcia, ‘di magpapa-interview hangga’t ‘di nakikita ang anak!

Written by Tita Swarding
November 17, 2008

OLA CHIKA! MARAMI talaga ang nag-aabang sa pahayag ni Patrick Garcia sa mga akusasyon laban sa kanya hinggil sa pagtalikod niya umano sa responsibilidad niya bilang ama sa anak niya sa aktres na si Jennylyn Mercado. Ngunit mailap talaga itong si Patrick. Mula nang dumating ito galing sa ibang bansa para dumalo sa kasal ng kapatid na si Cheska, hindi ito nagbitiw ng pahayag ukol sa isyu. Kaya siya ang tinutuligsa ng karamihan na umurong ang buntot at ayaw magpakalalaki, huh!


Ayon sa chika sa akin ng aking Parazzi girl, ga’no kaya katotoo na hindi umano magpapa-interview si Patrick, sa telebisyon man, sa radyo, o sa pahayagan, hangga’t hindi niya umano nakikita ang kanyang anak, huh! Kahit ‘Hi!’ man lang umano, hindi ito makuhanan ng pahayag ng kahit na sino lalo kung tungkol kay Jennylyn at sa anak nito. Baka nga raw kasi lumaki pa ang isyu. Mas mabuti na raw na manahimik siya, at handa lang daw siyang magsalita kapag nakita na niya ang anak.


Dagdag pang chika, kung magsasalita raw si Patrick, isang beses lang daw. Ayaw raw nito ang paulit-ulit. Nakakaloka! Pero ayon sa chikang nakarating sa akin, pinagsabihan raw ni Jennylyn ang mga nagbabantay sa anak nito na huwag ipakita ang bata kay Patrick. Kahit anino umano nito, huh! ‘Yun daw ang malaking bilin ni Jennylyn, at ‘yan ang nakarating sa akin, galing pinagkakatiwalaan kong Parazzi girl.


Tiyak na pagdating Jennylyn sa bansa, marami ang mag-aabang para sagutin niya ang intrigang ito. ‘Yun na!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home