Monday, November 03, 2008

Patrick Garcia, di pa rin nakikita ang anak kay Jennylyn Mercado

Sunday, November 2, 2008 3:16 PM

Nakabalik na nga sa bansa ang ama ng anak ni Jennylyn Mercado na si
Patrick Garcia pero grounÂ*ded umano ito ngayon dahil hindi ito
nakakalabas ng basta-basta nang hindi alam ang kanyang mga lakad ng
kanyang ama.

Nasa poder umano si Patrick ngayon ng kanyang ama na nakatira sa Ayala
Alabang at tini-train ito ng kanyang ama sa kanilang business. In the
meantime, wala pang ideya si Patrick sa hitsura ng kanyang anak dahil
hindi pa niya ito nakikita at wala pa sa mood ang kanyang
ex-girlfriend na ipakita sa kanya ang kanilang anak.

Matigas pa rin si Jennylyn sa kanyang paninindigan na walang karapatan
si Patrick sa kanilang anak dahil pinabayaan nga naman siya sa
panahong ipinagÂ*bubuntis niya ang bata hanggang sa ito’y mailuwal niya.

Ang nakakaawa rito ay ang inosenteng bata na wala namang
kamuwang-muwang sa nangyayaring gulo sa pagitan ng kanyang mga
magulang. Ipagkait man ngayon ni Jennylyn ang kanyang anak sa ama
nitong si Patrick, darating ang araw na ang bata mismo ang gagawa ng
paraan na makilala at mapalapit sa kanyang ama.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home