Friday, November 28, 2008

Patrick, nagsalita na: may karapatan daw siyang makita ang anak nila ni Jennylyn

Written by Lolit Solis
November 28, 2008


FINALLY, NAKUNAN NA rin ng Startalk ng pahayag si Patrick Garcia
tungkol sa kanila ni Jennylyn Mercado at iba pang isyu. Nanood ito sa
celebrity premiere ng Twilight nuong nakaraang Martes kaya nakorner
ito ng Startalk at nagbigay naman ng pahayag tungkol sa anak nila ni
Jennylyn.

Hindi pa nga raw niya nakita ang kanilang anak kaya nasasaktan ito
dahil tingin naman daw niya, may karapatan siya sa baby. Ang sabi pa
niya, hindi raw siya babalik sa pag-aartista hangga't hindi pa niya
nakikita ang anak nito kay Jennylyn. Ang isyu naman daw nila ni
Jennylyn ay matagal nang tapos, kaya sana huwag nang idamay ang kanilang anak. Hindi naman daw siya nagpabaya at lahat naman daw na efforts ay ginawa niya, pero walang nangyari.

Ayaw naman daw niyang basta na lang sumugod sa bahay ni Jennylyn para makita ang baby kung walang blessings ng dating kasintahan. Sana naman daw mapagbigayan siya dahil gustong-gusto na raw niyang makita ang kanyang anak.

Sa ngayon, nagtatrabaho muna si Patrick sa kumpanya ng kanyang ama at nagwe-wakeboarding daw siya. Ang guwapo nga niya ngayon dahil pinaghahandaan naman daw niya na kung sakaling puwede na siyang bumalik sa showbiz, maganda ang hitsura niya na tipong pang leading man material.

Abangan n’yo na Startalk ang interview namin kay Patrick dahil sinagot din niya ang isyu nila ni Glaiza de Castro na nakasama niyang manood ng concert nina Rihanna at Chris Brown.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home