Sunday, November 23, 2008

(RUEL MENDOZA)
Abante

excerpt


Kahit nag-klik ang balik-tambalan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras, wala na raw talagang balak ang huli na balikan pa ang una.


“Hanggang friends na lang. Mas okey na ‘yon, kesa nu’ng kami pa. Marami kaming issues na mahirap ayusin. So, it’s better na ganito na lang kami.

Kumbaga, working partners kami.


“At saka, wala naman akong naging ex-girlfriend na binalikan ko.”


Isa nga si Mark sa mga kinumpirma ni Jennylyn na magiging ninong ng anak niyang si Alex Jazz. Makakasama niya bilang godparents sina Nadine Samonte, Rainier Castillo, Katrina Halili at Yasmien Kurdi.


“Kaya wala na talagang chance na magkabalikan kami ni Jen, kasi magiging kumare ko na siya. After ng binyag, Kumareng Jen na ang tawag ko sa kanya. At least, may involvement pa rin ako sa buhay niya.”

Kasalukuyan palang nasa ibang bansa si Jennylyn at may series of shows na ginagawa. Babalik daw ito ng first week of December para simulan ang bagong show nila ni Mark Herras sa GMA-7.

1 Comments:

At 8:08 PM, Anonymous Anonymous said...

itong si mark magulo din sbi mo mahirap magsalita ng tapos kasi hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari tapos ngayon nagsalita ka ng tapos kpag ininterview knman di mo masabi ng ganyan ang gulo mo tlga mark kahit kailan.

 

Post a Comment

<< Home