Sunday, November 16, 2008

TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis

Malapit na ang press­con ng One Night Only ng OctoArts Films pero hindi kumpleto ang cast dahil nagpunta sa Amerika si Jennylyn Mercado.

Naloka nga raw ang staff ng OctoArts Films sa biglang pag-alis ni Jennylyn. Noong isang linggo ang presscon ng One Night Only. Na-postpone ang presscon dahil wala si Valerie Concepcion. Hinintay ang pagdating ni Valerie mula sa US pero bago pa siya makabalik sa Pilipinas, si Jennylyn naman ang lumipad papunta sa Amerika.

Naunahan tuloy ng Viva Films ang OctoArts Films. Maagang nagpa-presscon ang Viva Films para sa Baler kaya sina Anne Curtis at Jericho Rosales ang laman ng mga entertainment atsutsutsu!

* * *

THAT'S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs
Updated November 16, 2008 12:00 AM

Ano ba ang nangyayari kay Jennylyn? Hindi pa man nakakatapos ng kanyang trabaho sa pelikulang One Night Only na pang-MMFF si Jennylyn Mercado pero umalis na ito kasama ang kanyang manager at pumunta ng US. Hindi naman nagtatapos sa pagda-dubbing ang kanyang work for the movie.

Kailangan din niyang tumulong sa promosyon nito. Eh balitang sa Disyembre pa ang uwi niya so papaano pa siya makakapag-promote? Eh importante ang print promo.

Ayaw ba niyang pa-interview? Paano siya pagka­katiwalaan ng trabaho kung ganyang nagpapakita siya ng unprofessionalism? Eh siya itong kailangang-kailangan ng trabaho dahil may binubuhay siyang anak. Ipaliwanag mo nga ito, Jennylyn. O ng manager mo.

* * *

0 Comments:

Post a Comment

<< Home