Monday, November 10, 2008

Written by Cristy Fermin
November 9, 2008

NU’NG MANGANGANAK NA si Jennylyn Mercado, may isang kababayan tayong matagal nang naninirahan sa Amerika na nag-alok ng tulong sa kanya. Du’n na lang daw manganak si Jen sa States, ito na raw ang sasagot sa lahat-lahat, pero hindi natuloy ang plano.


Ipinakilala ni Jen ang taong ‘yun sa taguring Good Samaritan. Ito rin ang nag-imbita sa kanya para magbakasyon nang tatlong linggo sa Amerika ngayon, para naman pansamantala siyang makalimot sa stress na inabot niya sa kasong isinampa laban sa kanyang dating road manager.


Nakaalis na si Jennylyn, tatlong linggo siyang mawawala. Sa kanyang pagbabalik dito, maghaharap na sila sa piskalya ng kanyang dating road manager na si Mel Pulmano na kinasuhan niya ng pagnanakaw at pememeke ng kanyang pirma sa mga tsekeng diumano’y ipina-rediscount nito.


Nakatakda ring sampahan ng demanda ng kanyang manager na si Becky Aguila si Mel, naninindigan sina Jen at Becky na hindi sila ang pumirma sa mga tsekeng ginamit ni Mel sa pangungutang nito sa kung sinu-sino.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home