Monday, December 01, 2008

Jennylyn, masaya para kay Glaiza

Abu Talamzik


NAKUNAN ng Startalk ng reaksyon si Jennylyn Mercado kaugnay sa pa­nayam kay Patrick Garcia na ang tanging hangad ay makita ang anak nila ng young actress.

Nasa San Diego, Cali­fornia si Jennylyn nang nakausap ito nina Tito Joey de Leon at Nay Lolit Solis, at buo pa rin ang pasya niya na hindi na ipakilala ang anak sa ama nito.

“Sabi ko nga pong tapos na, tapos na talaga at wala na siya sa picture,” pahayag ni Jennylyn.

Iyun daw ang sinasabi niya noon pa, at hindi raw iyon na mababago.

Sinabi rin ni Patrick na babalik lang siya sa showbiz kapag nakita na niya ang kanyang anak.

“Bahala siya!” ang sagot ni Jennylyn na mukhang wala nang interes sa aktor.

Nakahanda raw si Jennylyn na harapin si Patrick at ang pamilya nito sakaling idaan nila sa legal na paraan na makita ang bata.

Natutuwa naman si Jennylyn sa pagkaka-link ni Patrick kay Glaiza de Castro.

“Masuwerte si Pat kay Glaiza, she’s a very nice girl. Kung gusto niya, ako pa mismo ang magdadala sa kanya kay Glaiza,” pahayag ni Jennylyn.

Wala man lang daw siyang katiting na selos na naramdaman at natutuwa raw siya para kay Glaiza at kay Patrick na rin.

Inaasahan ang pagbalik ni Jennylyn ngayong linggo dahil nakatakda itong pumuntang Dubai kasama si Mark Herras para sa GMA Pinoy TV.

Handang-handa na rin daw siyang bumalik ang kanilang loveteam.

***

0 Comments:

Post a Comment

<< Home