Friday, February 22, 2008

February 22, 2008 05:45 PM Friday Article read 2,613 time(s)

Jen, kumalas kay Patrick!
By: Vinia Vivar
AS of press time, nagdesisyon na si Jennylyn Mercado na ipagpatuloy ang buhay nang wala si Patrick Garcia, ang boyfriend niya’t ama ng kanyang dinadala.

Umiiyak na sinabi ni Jen nang makapanayam namin siya last Wednesday na matagal daw siyang naghintay kay Pat at umasa na maaayos din ang lahat sa kanilang relasyon.

Pero, mula raw nang mabuntis siya, wala man lang daw effort ang aktor para suportahan siya emotionally and financially although aniya, at this point in time, hindi mahalaga ang pinansyal na aspeto.

“Ang presence niya ang kailangan ko, ’yung love niya, ’yung pag-aalaga niya, ’yung suporta niya. Pero, hindi ko ’yun nakikita sa kanya,” umiiyak na pahayag ni Jen.

Matagal na raw ganito ang sitwasyon at kung magkita man sila, wala naman daw silang pinag-uusapan tungkol sa kanilang relasyon.

Oo nga raw at magkasama sila last Valentine’s Day, pero wala naman silang napag-usapan at ang tanong pa raw sa kanya ni Patrick ay “is the baby still there?” dahil medyo maliit pa ang kanyang tiyan.

Masamang-masama rin ang loob ni Jen sa napanood niyang pahayag ni Patrick sa The Buzz, kung saan ay tinanong ito tungkol sa tsismis na hindi ito ang ama ng kanyang dinadala.

No comment ang sagot ni Patrick, na para kay Jen, senyales na nagdududa rin mismo sa kanya ang boyfriend.

Tinanong din ang aktor ng hypothetical question na kung sakaling isang araw, malaman niyang hindi siya ang ama, ano ang gagawin niya?

Ang isinagot ni Pat, siya pa rin ang tatayong ama until somebody comes along para umako.

“Alam naman niya ang totoo. Sa aming dalawa ito, pero bakit ganu’n ang sagot niya? Sana man lang, sinabi niya na sigurado siya na kanya ang baby,” say ni Jen.

Nasasaktan din ang young actress sa nasabing akusasyon na hindi niya malaman kung saan galing.

“Parang ano ba ang tingin nila sa akin? Bakit may ganyang issue? Ang sakit-sakit para sa akin niyan,” umiiyak pang sabi ng young actress.

Sa ngayon, pipilitin na raw niyang alisin sa buhay niya si Patrick.

Hindi niya sigurado kung bibigyan pa niya ng karapatan ang aktor sa kanyang baby matapos ang mga sinabi nito.

People's Tonight

Thursday, February 21, 2008

Jennylyn, solong palalakihin ang anak
ni: Abu Tilamzik
FEBRUARY 21, 2008

Photobucket

Nagkaroon ng matinding pagtatalo ang ina ni Patrick Garcia at ang manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila nu’ng Lunes dahil sa pinapapirma nina Patrick na papeles kay Jennylyn.

Kuwento ng young actress, nakipagkita raw ang Mommy Beng ni Patrick kay Jennylyn dahil pinapapirmahan daw ang mga papeles ng Educatio­nal Plan at Insurance ng baby na ipinagbubuntis ni Jennylyn.

Nagtataka lang daw si Jennylyn, bakit nagma­madaling papirmahan ito ng Mommy ni Patrick kaya natakot daw siya.

Tinawagan ni Jennylyn ang kanyang manager at pinapapunta niya para matingnan ang papeles.

Kaagad dumating si Becky Aguila sa parlor ni Pin Antonio na kung saan nandun na sina Jennylyn at ang ina ni Patrick. Ayon daw kay Mommy Beng, kailangang mapirmahan na iyun ni Jennylyn dahil para naman daw iyun sa magiging baby ng dalawa.

Tumanggi si Becky na pirmahan iyon ni Jennylyn at ipinaliwanag nito na sa panahon ngayon ay hindi itong Educational Plan o Insurance ang hinihingi nila kina Patrick kundi ang pag-aruga ng aktor at presensya kay Jennylyn.

“Ang kailangan ko naman po ngayon, si Patrick, ang love niya, ang pag-aruga niya sa akin dahil kailangan ko namang nandito siya sa tabi ko,” pahayag ni Jennylyn.
Dinagdagan pa ni Becky na bakit ngayon ay nagkukumahog sila sa pagpapapirma ng insu­rance at educational plan ng bata, gayung parang nagdududa pa sila kung si Patrick ang ama ng dinadala ni Jennylyn?

Hindi natuloy ang pirmahan at umalis daw ang ina ni Patrick na galit na galit.
Ang kuwento pa nila, nasipa pa raw nito ang driver niya.

Nasaktan nang husto si Jennylyn sa mga sinabi ni Patrick sa The Buzz lalo na ang pagdududa sa paternity ng baby.

Solo na lang daw niyang haharapin ang respon­sibilidad bilang magulang ng kanilang anak at hindi na raw siya aasang haharapin pa ito ni Patrick.

Nu’ng Valentine’s Day ay magkasama raw silang lumabas at nanood ng sine pero wala raw silang pinag-usapan tungkol sa kanilang relasyon kaya nagulat na lang si Jennylyn nang napanood niya ang mga sinabi ni Patrick sa The Buzz.

May panayam si Butch Francisco kay Jennylyn na mapapanood sa Startalk.
Hindi pa tapos ang interbyuhan, tumatawag na si Patrick kay Jennylyn.
Maaaring nakarating na kay Patrick na nagpa-interview na si Jennylyn.
Mukhang desidido si Jennylyn na tapusin na ang sa kanila ni Patrick.

Pagkatapos ng interbyung iyun, nagpalit na ang young actress ng numero ng cellphone #.

Si Mark Herras ay damay pa rin sa isyung ito ni Jennylyn, at ang mensaheng gustong iparating ni Mark kay Patrick ay, “Be man enough.”

Thursday, February 21, 2008
Manila Bulletin

Why Jennylyn lost Patrick



Leah C. Salterio

Jennylyn Mercado marked her birthday and fifth anniversary in showbiz with a thanksgiving concert at Zirkoh last February 2.


Patrick Garcia, the father of the baby she is carrying, was present. Two weeks later they stopped talking to each other.

Has Patrick ditched his pregnant girlfriend for good? Or did Jennylyn drive him away? Before the split, the couple was all over the news when they announced Jennylyn’s condition. Patrick was always by her side and was talking about marriage plans.

Jennylyn admits Patrick rarely sees her now. He refuses to take her calls and he’s ignoring her text messages. He also became evasive whenever the subject of the wedding came up.

People close to the couple attributed this sudden estrangement to Jennylyn’s "flighty attitude," and her alleged bi-polar dysfunction. She is said to be notoriously fickle. At one point, she asked for an exclusive interview with "Star Talk" only to have the taped segment scrapped at the last minute. Those who have defended Patrick say the boy is confused about Jennylyn’s erratic behavior. This has given him second thoughts about spending the rest of his life with her.

The situation has become a public spectacle, with Jennylyn appearing on TV begging Patrick to call her and discuss their problems. The 26-year-old Patrick, meanwhile, admitted in a radio interview he hasn’t been seeing Jennylyn but he is owning up to his responsibilities as the father of their baby. He is reportedly getting ready to leave for the US but his sister Cheska Garcia has denied this on television.

Jennylyn’s career seems to be getting affected. She’s in the cast of the movie "Half Blood Samurai" yet she hasn’t been on hand to help promote the movie. She was absent at the movie’s first press conference which irked the producers. Jennylyn is contractually obligated to attend the press conferences. Consequently, they decided not to hire her for their next film project.

Jennylyn has announced she is ready to raise the child alone. Her manager Becky Aguila says Jen at this point needs compassion and understanding. "Mahirap ang kalagayan niya. It’s no joke to get pregnant when you’re only 21," Becky said. "She needs all the love and attention she can get. Patrick should take care of her and should be patient. They should both be responsible as would-be parents of their baby."

PEP: Jennylyn Mercado confirms breakup with Patrick Garcia
02/21/2008 | 05:20 PM

Email this | Email the Editor | Print | Digg this | Add to del.icio.us Hindi na maawat ang pagsasalita ng young actress-singer na si Jennylyn Mercado tungkol sa estado ng relasyon nila ni Patrick Garcia, ang ama ng kanyang dinadala. Namugto ang mga mata ni Jennylyn pagkatapos kumpirmahing hiwalay na sila.

Nakarating agad kay Patrick ang pagpapa-interview ni Jennylyn sa mga TV crew kahapon, February 20, sa Friday's restaurant sa may Hotel Rembrandt.

Tinawagan daw ni Patrick si Jennylyn, pero dinedma ng young actress ang tawag ng young actor. Nagpasiya rin si Jennylyn na magpalit ng SIM card para maputol na ang komunikasyon nila ni Patrick.

Hinaing ni Jennylyn, simula raw nang mabuntis siya ay wala siyang nakukuhang suporta kay Patrick, emotionally and financially, kundi stress lamang.

"Magbuhat nang magbuntis ako, wala naman siyang ginagawang effort para sa akin at sa magiging anak niya," bungad ni Jennylyn nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng kanyang interview.

Bakit hindi niya kinausap si Patrick na ayusin ang relasyon nila?

"Ilang beses ko nang ginawa ‘yon," sagot niya. "Ilang beses kong sinabi na huwag niya akong iwan. Sobrang na-disappoint ako. Wala na akong makita sa kanya. Umiiwas siya. Kahit magkasama kami nung Valentine's day, wala naman kaming napag-uusapan.

"Kung kailan ko siya kailangan, saka siya nawala. Hindi ko kailangan ang financial support. Ang kailangan ko ay love, care, at emotional support. Dapat siya na ang lumapit. Ilang beses na akong lumapit," pagtatapat niya.

Bakit sa telebisyon sila nag-uusap? Bakit ito ang ginagawa nilang medium para makapag-usap?

"Hindi kasi kami nag-uusap. Bago pa ang situwasyon na ito, lumayo na siya. Ganoon na siya, malayo na siya. Wala siyang maidadahilan sa akin dahil wala siya. Ni hindi niya nakikita yung malilit na pangangailangan ko," pahayag ni Jennylyn.

Maliit pa rin ang tiyan ni Jen kahit mahigit na siyang three months pregnant. Hindi mo iisiping buntis siya kung hindi mo alam. Tanong daw tuloy ni Patrick nung huli silang magkita, "Is the baby still there?"

PATRICK'S INTERVIEW. Ang labis na ikinasama ng loob ni Jennylyn ay nang mapanood niya last Sunday, February 17, si Patrick sa The Buzz, kung saan tinanong siya ng kanyang reaksiyon tungkol sa tsismis na hindi siya talaga ang ama ng ipinagbubuntis ng kanyang girlfriend.

"No comment" ang sagot ng aktor.

Bukod dito, tinanong din si Patrick kung sakaling isang araw ay malaman niyang hindi siya ang ama ng baby. Ang sagot na naman ng aktor, he will take the responsibility daw till someone comes along para umako.

"Wala siyang tiwala. Masakit para paghinalaan niya ako. Panindigan nila ‘yan, basta akin ang bata. Parang ano ba ang tingin nila sa akin? Bakit may ganyang issue?" deklara ni Jennylyn na umiiyak.

"Parang ang pangit na nagdududa sila, ‘tapos biglang aaminin na sa kanila. Siyempre, nasaktan na kung sino ang nasaktan...ang pangit, e. Kung ganun din lang pala, wala na rin tayong dapat pag-usapan pa. Live your life and I will live my life.

"Wala siyang...ayokong sabihin. If you're man enough naman na puwede mo namang sabihin kung sigurado ka, ‘Sa akin ‘yan.' Pero kung hindi ka sigurado, sasabihin mo ‘no comment' o puwede mong sabihin na hindi mo alam. Pero kung alam niya naman na siya ang tatay at alam ko naman sa sarili ko kung sino ang tatay nito...ako, sigurado ako, e!

"Ang ine-expect ko sanang marinig sa kanya is sabihin niya yung totoo. Alam niya na sa aming dalawa ito. Puwede naman niyang sabihin nang diretso na siya ang ama at wala nang dapat pang pag-usapan because yun naman ang totoo," hinaing ni Jennylyn.

MARK HERRAS. May mga nang-iintriga na ang dating boyfriend ni Jennylyn na si Mark Herras daw ang ama ng dinadala ni Jennylyn. Ano ang masasabi ng young actress dito?

"Kawawa naman yung tao [Mark]. Wala siyang kamalay-malay. Ang tagal na naming wala. Bale three years na kaming split. Hindi masyadong nagkakausap, nagte-text-an tapos idadamay. Unfair naman sa tao," pagtatanggol ng young actress.

Tahasan ding sinabi ni Jennylyn na walang katotohanan ang tsismis na si Mark ang ama ng kanyang dinadala. Lalong hindi rin daw totoo ang napabalitang magkasama sila sa isang hotel noong December 2007.

"Yung sinasabi pa lang nila na dates na sinasabing nakita kaming magkasama, iba-iba, hindi consistent. May December 4, 6, 8, 10, 11... So, dun pa lang, alam mo nang hindi totoo," bulalas ni Jennylyn.

BECKY-BING CONFRONTATION. Sa ngayon ay mabigat na mabigat ang loob ni Jennylyn sa nangyayari, lalo pa nga't last Monday (February 18) ay nagkaroon pa ng confrontation sa pagitan ng kanyang manager na si Becky Aguila at ang ina ni Patrick na si Mrs. Bing Garcia.

Ayon sa kuwento ni Jennylyn, may pinapipirma raw kasi sa kanya ang mommy ni Patrick last Monday na insurance and education plan para sa kanyang kanyang baby. Hesitant ang young actress sa pagpirma dahil fresh pa sa isip niya ang napanood na pagdududa ni Patrick last Sunday sa The Buzz, kaya tinawagan niya ang kanyang manager para pumunta sa lugar.

Kaagad naman daw dumating si Becky at nag-usap sila ng ina ni Patrick na humantong sa isang heated argument. The manager pointed out na ang mas kailangan daw ni Jennylyn at this point ang presence ni Patrick kesa sa anumang pinansiyal na bagay. Pero ang isinagot daw ng ina ni Patrick ay hindi raw niya ‘yon magagawa dahil hindi niya hawak ang isip ng kanyang anak.

Habang nagkakakaroon ng kumprontasyon ang dalawa ay tahimik lang daw na umiiyak si Jennylyn, hanggang sa nasisi pa raw siya ng ina ni Patrick sa mga naglalabasang balita.

SINGLE MOM. Ngayon ay desidido na raw si Jennylyn na buhayin na lang mag-isa ang kanyang anak. Mercado raw ang magiging apelyido ng kanyang baby at pipilitin daw niyang palakihin ito nang maayos.

"Gusto ko na maging masaya alang-alang sa magiging baby ko. Ayoko nang umiyak. Gusto ko nang magtrabaho. Gusto kong mag-move on," sambit ng young actress.

Dagdag ni Jennylyn, "Hindi na ako naglilihi kaya hindi na ako masyadong maselan. Ready na akong mag-work ulit at kailangan kong mag-work para sa baby ko at sa family."

Ano naman ang mensahe niya kay Patrick, na napabalitang pupunta ng Amerika para mag-aral ng filmmaking?

"Good for him para matupad ang dream niya. Sana ay may chance na magbago siya. Maging responsible. Hindi worth it si Pat sa lahat ng ginawa kong pagsasakripisyo, pero worth it sa baby ko," makahulugang pagwawakas ni Jennylyn. - Philippine Entertainment Portal

Wednesday, February 20, 2008

February 20, 2008 06:30 PM Wednesday Article read 3,439 time(s)

Patrick, ’di kawalan kay Jen
By: Eric Morales

ANG tagal-tagal na ni Patrick Garcia sa showbiz, kaya hindi kami naniniwalang hindi pa siya sanay sa mga intriga at bad publicity na natatanggap niya.

Ayon sa mga taga-depensa ng actor, pribadong tao raw si Patrick at hindi sanay na laging nasusulat.

Naiirita raw ito sa pagpapa-interview ni Jennylyn Mercado tungkol sa mga hindi magandang ginagawa niya.

Hindi naman natin masisisi si Jen, dahil first time niyang maranasan ang nasa maselang kalagayan. Pero, kung kami si Jen, hahayaan na lang namin si Patrick kung ano ang gusto niyang gawin.

Hindi siya dapat matakot sa mga banta nito na kesyo iiwan siya ’pag nagsalita uli. Ano pa ba ang mapapala niya kay Patrick? Wala na itong career at kung anu-ano pa ang pinaggagagawa, ayon na rin sa mga balita.

Basta’t alagaan ni Jen ang sarili at maging maayos ang panganganak. Magpalakas agad siya, ibalik ang dating ganda at pigura para makabalik sa pag-aartista.

Ang ganda-ganda mo, ’no? Hayaan mo sila! Nasa ’yo ang simpatiya ng tao.

February 20, 2008 03:20 PM Wednesday Article read 4,639 time(s)


By: Chan-Chan Torres
Eksenadora




Nakakaumay na ang isyu sa pagitan nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Sa totoo lang, naiintindihan namin si Patrick kung bakit pati siya ay napapagod na rin sa media attention na ibinibigay sa isyung ito when in fact, sila mismo ni Jen ang unang dapat umayos ng gusot nila.

Nasabi na rin ni Jennylyn na hindi na sila nagkikita ni Patrick at wala na silang komunikasyon.

Pero pasa-saan ba't magtatagpo pa rin ang landas ng mga ito 'pag ipina-nganak na ang batang ipinagbubuntis ni Jen.

Ang tanong ng lahat, in love pa ba sila sa isa't isa?

People's Taliba

JENNYLYN, SOBRANG STRESSED
ni: Abu Tilamzik
FEBRUARY 20, 2008


Photobucket

Lalong dumami ang nakisimpatiya kay Jennylyn Mercado pagkatapos lumabas ang interview ni Patrick Garcia sa The Buzz nu’ng Linggo.
Kahit ang manager ni Patrick na si Arnold Vega­fria ay nagulat sa interbyung iyun dahil ang buong akala niya ay tahimik na si Patrick at hindi magsasalita.
Sa ABS-CBN 2 nagsalita si Patrick gayong may programa pa ito sa GMA 7.
Hindi maganda ang dating kay Patrick nang sinagot nito ang tungkol sa pagdududang baka hindi siya ang ama ng dinadala ni Jennylyn.
Hindi man lang niya ipinagtanggol ang young actress na parang paduda pa ang sagot na sa ngayon daw ay siya ang tatayong ama at ibibigay niya ang responsibilidad na iyun sakaling merong pumasok at umaming ama ng ipinagbubuntis ni Jennylyn.
Bakit gusto pa niyang pakasalan noon?
Lalong kaawa-awa ang lagay ni Jennylyn na parang pinapalabas pang kaladkarin na hindi pa tiyak kung sino ang ama ng kanyang pinagbubuntis.
Sa ngayon ay tahimik pa si Jennylyn tungkol sa mga huling pahayag ni Patrick.
Ang nakarating sa amin ay tuluyan na siyang iniwan ni Patrick nu’ng nakaraang linggo pa.
“Sobrang stressed na po ako, tito,” sagot lang sa akin ni Jennylyn.
Hindi na namin siya kinulit dahil naiintindihan namin ang kalaga­yan niya ngayon.
Hindi makatutulong sa kanyang pagbubuntis ang mga ganitong problema kaya pinagsabihan na lang namin siyang ang sarili na lang muna niya ang kanyang isipin at lalong magpakatibay para sa dinadala niyang anak.
May mga nagsasabing mali rin kasi si Jennylyn at hindi raw maintindihan ang kalokahan nito.
Mas matatanggap pa rin namin ang kalokahan niya dahil sa kanyang kalagayan.
Mas mahirap tanggapin ang magumon sa sugal!

THAT’S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs
Wednesday, February 20, 2008
Dahil sa gulong idinulot ng ginawa nilang pag-amin sa pagbubuntis ni Jennylyn Mercado, tuluyan nang nagulo ang dati ay matahimik na buhay ni Patrick Garcia.

Bagaman at hindi naman tinatakbuhan ng batang aktor ang kanyang responsiblidad sa kanyang girlfriend, ang patuloy na gulo na idinudulot nito sa kanila ni Jennylyn ay dahilan para hindi siya makapag-concentrate sa kanyang trabaho.

Dahilan dito ay inisip niyang pumunta muna ng abroad para magpalamig. Iniisip niya na baka pagbabalik niya rito ay tumigil na ang gulo at pareho na nilang magampanan ang kanilang mga trabaho ng mapayapa.

Sinabi rin ni Patrick na hindi niya ini-expect na magiging magulo ang paglilihi ni Jennylyn. Hindi rin niya inaasahan na masasama sa gulo ang pamilya nilang dalawa. Sa halip na maging close ang dalawang pamilya dahil nariyan na silang dalawa para pagdugtungin ito, lalo lamang nagkakalayo ang mga ito. Ayaw naman niyang dumating sa punto na pati ang dalawang pamilya nila ay mag-away din.

Becky ngadto ni Patrick: “Let go of Jen”

Wednesday, February 20, 2008


Hasta ang manager ni Jennylyn Mercado nga si Becky Aguila dismayado sa “no comment” ni Patrick Garcia dihang gipangayuan og reaksyon sa The Buzz kalabot sa tsismis nga dili siya maoy amahan sa gisabak sa young actress.

Suma pa sa PangMasa, ang wala mauyoni ni Becky mao ang linya ni Patrick nga kun dili man gyud gani siya maoy amahan, magpabilin siya hangtud nga dunay mutumaw ug mosawo sa responsibilidad.

Matud ni Becky wala siya magdahom nga mamahayag si Patrick og ingon niadto. Ang iyang gipaabot mao nga ipalanog ni Patrick sa tibuok kalibutan nga siya maoy amahan sa gisabak ni Jen ug nga malampusan nila ang tanang intriga sa ilang relasyon, pero dili kini maoy nahitabo.

“Its clear that he, himself has doubts, so kung ganun din lang pala, let go of Jen na lang. I’m really so disappointed. If there’s anyone who should defend Jen, its him,” nagkanayon pa si Becky ngadto sa PangMasa.

Nanghinaot si Becky nga sa kadaghan sa intriga nga gibato ngadto ni Jen, mahunahuna pud unta ang bata nga naa sa sabakan niini. “Please, leave the baby alone. Tama na yang mga intrigang yan,” hangyo na lamang niini.

Tuesday, February 19, 2008

ni: Jun Lalin
FEBRUARY 19, 2008
Abante tonite

Noong Linggo ay nag-taping sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia para sa Ka-Toque cooking show ng Q-11.
Excited akong pumunta sa studio ng Ka-Toque para kunan sila, pero si Jennylyn ay nasa dressing room at si Patrick naman ay nasa may labas.
In between takes ba ay hindi nagpapansinan ang dalawa? May away na naman ba sila?

Ni Ryan Mark
Tuesday, February 19, 2008


Fans ni Jen napungot ni Patrick

Miulbo ang kaspa sa mga fans ni Jennylyn Mercado tungod sa mga pamahayag ni Patrick Garcia nga giluwatan niya sa interview sa The Buzz adtong Domingo.

Yawyaw pa nila ngadto sa PangMasa, negatibo ang gawas sa mga lenggua ni Patrick. Gipangutana man gud si Pat kalabot sa tsismis nga dili siya maoy amahan sa gisabak karon ni Jen, tubag niya, “no comment”.

Para sa fans, imbes nga matuldukan na ang issue ug panalipdan niini ang girlfriend, nagbilin hinoon og dugang kalibog ang maong pamahayag sa young actor.

Nagpaabot matud pa ang mga fans nga depensahan ni Pat sa issue tungod kay kini lamang ang angay nga manalipod sa young actress ug wala nay lain pa.Gikatahong wa pud makauyon ang fans sa walay klaro nga tubag ni Patrick labot sa ilang kaugmaon ni Jen. Giangkon man gud niini nga tinuod nga nag-istorya na sila sa iyang mommy nga kun dili molurang ang ilang sitwasyon ni Jen, molupad na lamang siya paingon sa Amerika.

Patrick Garcia disappointed with Jennylyn Mercado’s recent TV interview
02/19/2008 | 09:16 AM

Photobucket


Patrick Garcia dismissed rumors saying that he and girlfriend Jennylyn Mercado, with whom he will have his first child, are already splitting up.

However, the young actor could not help but feel disappointed with Jennylyn, who claimed that Patrick was snubbing her.

In an exclusive interview with The Buzz, Patrick said, "Hindi ko maintindihan kung bakit niya pa kailangan magpa-interview at umiyak sa TV pero for whatever it is, I'm still here for her, hindi ko siya inabandona."

Even Patrick's mom, Bing Garcia, was surprised by the interview of Jennylyn with Startalk aired last Saturday.

She said in a separate interview, "Siyempre magugulat kami kasi walang warning, e, at saka hindi namin akalain na ganun. Kakakasama lang namin nung Sunday sa service, pagkatapos makikita namin na ganun, siyempre nakakagulat."

Patrick also said it's not true that he no longer communicates with Jennylyn or that he has turned his back on his responsibilities towards her.

He explained, "For the moment, we're working things out naman. Kumbaga lahat naman ng problema naaayos, e."

He further added, "Siguro kasi ano, you know how kapag buntis ka you're extra sensitive. Siguro minsan kapag isang araw hindi kami nakakapag-usap or dalawang araw, siguro kapag galing sa argument or whatever, siguro sinasabi niyang hindi na kami nagko-communicate.

"Siyempre buntis ka, so marami siyang mga kahilingan. Yun ibang naibibigay ko, siyempre yung iba (cannot) be there on time, tao lang ako."

PATRICK ANSWERS THE ISSUES. Aside from these claims, Patrick also clarified other issues concerning him and Jennylyn.

First, he made a comment on the issue that he stopped Jennylyn from attending the press conference of her movie Half Blood Samurai last month.

"Walang katotohanan 'yan," said Patrick. "As in that's not true, that's a lie. Never kong ginawa 'yun. Alam naman ni Jen ang katotohanan."

Then, Patrick was asked about the rumor saying that he might not be the father of Jennylyn's child. However, the young actor chose not to comment on the issue. He said, "Pangit naman na hindi ako naniniwala, di ba?"

Another issue was that Mark Herras, former boyfriend of Jennylyn Mercado reportedly brings food for Jennylyn. Again, Patrick chose not to make a comment. Instead, he simply answered, "Well, whatever it is, let's just say na hindi ko naman napanood yun. Whether it's true or not, hindi ko pa rin tinatalikuran ang responsibilities ko sa magiging baby namin."

Lastly, Patrick was asked about his rumored plans to leave the country. Patrick, surprised at how The Buzz knew about it, answered, "Paano ninyo nalaman yun?" He then continued, "Hindi [ako aalis]. Sabi kasi ng mom ko kasi kung gumulo pa yung issue dito, they'll send me to the States first para mag-aral at magpahinga."

Mommy Bing also explained, "Dati na naman yung plano, e, bago pa naman nangyari [ito]. Kasi nagkaroon ng project si Patrick, so na-put on hold na naman. So, hindi na naman matutuloy."

TAKING IT SLOW. When they announced the pregnancy of Jennylyn last January, the couple went to Quezon City Regional Trial Court to consult about marriage. The couple seemed to be very determined to get married but the presiding judge advised them not to rush things.

After a month, Patrick is still thinking of getting married with Jennylyn. However, this time, Patrick has chosen to take things slow.

He explained, "Ito ngang mga simpleng problema, e, hindi namin maayos ng kami-kami lang or kaming dalawa lang, what more kung mag-asawa na kami. Tingnan muna natin.

"Of course, I still love her, hindi naman mawawala yun. Hindi ko lang maintindihan yung mga ibang pinaggagagawa niya, like coming out on TV. I'm always willing to forgive naman." - Philippine Entertainment Portal