Friday, April 11, 2008

Tiyan ni Jennylyn, mistulang hinipang lobo

Rey Pumaloy
Abante
04/11/08

Mistulang lobo na hinipan ang tiyan ngayon ni Jennylyn Mercado. Nakasalubong namin sa simbahan ng Baclaran si Jennylyn kamakailan, at kitang-kita nga na malaking-malaki na ang kanyang tiyan.

Kunsabagay, limang buwan na rin ang tiyan ni Jen ngayon, kaya hindi katakataka na magmukha na siyang bundat.

OO nga po eh. Bigla siyang lumaki. Pero okey lang. Feeling ko healthy ang baby ko, say ni Jen,

KUwento ni Jen, bagama't tadtad pa rin ng problema ngayon, hindi na lang daw niya yun iniintindi , alang-alang sa magiging baby niya

Halata na kasi ang tiyan ko. Malaki na. Kung poproblemahin ko pa yung mga bagay-bagay na yan, makakaapekto lang yun sa baby ko., So deadma nalang.

Ang importante sa akin ngayon ay ang magiging kapakanan ng baby ko.

Anyway, ngiti lang ang isinagot s amin ni Jen nung kamustahin namin ang sitwasyon nila ni Patrick Garcia, at kung nagkita at nagusap na ba sila.

Sabi ni Jen, ayaw na raw niyang magsalita pa ng kahit na ano tungkol sa dating boyfriend at tatay ng kanyang isisilang na sanggol para maiwasan na raw ang patutsadahan at sagutan sa publiko.

Sabi pa ni Jen, marami siyag kaibigan na tumutulong sa kanya, at yun ang mahalaga. Mas lumalakas daw ang loob niya na lumaban at mas nagiging matatag daw ang pananaw niya sa buhay.

Siyempre sinabi ni Jen na nininerbiyos siya sa nalalapit na panganganak niya. Pero excited na raw siyang makita ang itsura ng baby niya.

Kung hindi raw sa huling linggo ng July siya manganganak ay sa unang linggo ng August.

Isang buwan lang daw magpapahinga si Jen pagkatapos niyang manganak at magtatrabaho siya ulit. Sabi nga ni Jen sana ay di siya pabayaan ng GMA 7.

Thursday, April 10, 2008

Abu Tilamzik
Abante Tonite
04/10/08

May pagkamahadera (o mahadero ba?) itong baby na ipinagbubuntis ni Jennylyn Mercado dahil hindi nalaman ang kasarian nito nang huling mag-pre natal check-up ang actress.

Dapat ay puwede nang malaman kung boy o girl ang baby pero sa posisyon nito, parang ayaw pa niyang ipakita ang kanyang ari.

Nakatakip daw ang dalawang paa niya at pati ang kamay nito ay parang nakatakip sa bandang harapan ng baby kaya kahit anong anggulo ng ultra-sound, hindi makita ang kasarian nito.

Sobrang tagal nila sa clinic dahil hirap na hirap ang doktor na ma-check ito.

Natawa na lang si Jennylyn sa drama ng baby niya dahil mukhang umiiwas itong ipakita sa media dahil kinober ito ng Startalk.

Sa Mayo ang susunod na pre-natal check up ni Jennylyn at inaasahan nilang type na ng baby na ipaalam kung ano siya.

Ang magandang ba­lita, lalong nag-i-improve ang kalagayan ng baby at pati na rin si Jennylyn dahil nagdagdag sila ng timbang.

Sabi ng doktor, overweight na sila dahil mabilis ang paglaki ng baby.

Lalong gumaganda si Jennylyn dahil nakapagbakasyon siya sa Boracay at wala na siyang naramdamang pressure at stress.

Ang hula ng karamihan, baby girl itong nasa sinapupunan niya.

***

Wednesday, April 09, 2008

Jennylyn Mercado visited Boracay after Holy Week

Philippine Entertainment Portal
Noel B. Orsal
Wednesday, April 9, 2008

Hinintay muna ni Jennylyn Mercado na lumipas ang Holy Week bago pumunta sa Boracay upang magpahinga at mag-enjoy. Kapag Holy Week kasi ay sangkatutak ang bakasyunista sa isa sa pinakapaboritong bakasyunan sa buong bansa.

Isang linggo raw na nanatili si Jennylyn kasama ang kanyang mga kamag-anak sa Bora, ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Pataray ng PEP source, baka raw iniwasan lang din ni Jen na makita roon ang ex-BF niyang si Mark Herras who was there nung Holy Week nga.

Nitong Lunes, April 7 ay dumating na from Boracay si Jennylyn at agad na pina-develop ang mga kuha niya roon. Nag-enjoy raw nang husto si Jen sa white sand beaches ng Boracay at tuwang-tuwa sa mga magagandang kuha niya na naka-two piece siya kahit na five months na ang kanyang tiyan.

Ayaw nga lang daw ipalathala ni Jen ang kanyang mga kuha from Bora.

GIRL OR BOY? Kahapon, April 8, Martes, nagpa-ultrasound na raw si Jennylyn sa kanyang doctor para malaman ang kasarian ng baby nila ni Patrick Garcia. Pero bigo raw silang makita kung babae o lalaki ang nasa sinapupunan ni Jen.

Kuwento ng PEP source, hindi raw makita ng doktor ang kasarian ng baby dahil nakatagilid daw ito.

Abu Tilamzik

Kahapon ang pre-natal check-uli ni Jennylyn Mercado at excited siya dahil posibleng malalaman na kung boy o girl ang kanyang dinadala.

Habang tinitipa ko ito ay hinihintay pa namin ang paglabas ni Jennylyn ng clinic dahil matagal ang check-up na ito.

Sinamahan ang young actress ng kanyang Mommy Lydia. Walang Patrick Garcia na dumating para samahan siya.

Ang unang nari­nig namin ay gusto siyang samahan ng aktor pero maaring hindi nito alam kung matutuloy ang check-up dahil wala pa rin silang komunikasyon na dalawa.

Hindi na raw iniisip iyun ni Jennylyn dahil ang focus na lang niya ngayon ay ang ipinagbubuntis niya.

Nung Lunes lang siya dumating galing Boracay at nag-enjoy siya dahil nakapagbakasyon siya kasama ang mga kaibigan.

Exclusive na kinunan ng Startalk ang check-up ni Jennylyn pero med­yo mahigpit ngayon sa St. Luke’s Hospital kaya sa labas lang ang camera at hinihintay na lang ang paglabas nito.

Naikuwento ni Jenny­lyn sa Startalk na me­rong tumawag sa kanya na isang reporter at pinagsabihan siyang huwag nang magpagamit sa Startalk o GMA 7 gaya nitong coverage sa check-up niya.

Dapat daw ay may privacy si Jennylyn sa kanyang kalagayan ngayon.

Tingin ni Jennylyn, hindi siya nagagamit ng Startalk o ng GMA 7 dito dahil ina-update lang ang kalagayan niya lalo na’t kontrobersyal ang pagbubuntis niya.

Ang duda tuloy namin, mga malalapit kay Patrick itong sumusulsol kay Jennylyn.

Tuwing lumalabas si Jennylyn sa TV, si Patrick ang napapasama dahil wala pa rin siyang ginagawa para kay Jennylyn o kahit sa anak man lang niya.

Sa puntong ito, si Jennylyn pa rin ang talo dahil siya ang babae at siya ang nabuntis, kahit sabihin pang kagagawan nilang dalawa ito.