Wednesday, July 09, 2008

Jen, bigay na bigay sa nude pictorial!

By: Vinia Vivar
Hot 'n Spicy

Tuloy na tuloy na ang coffeetable book ni Jennylyn Mercado kung saan ay makikita ang young actress in her naked glory at the height of her pregnancy.

Kahapon ay kinunan na ang first leg ng pictorial sa isang architectural house sa Ayala Heights.

Kasama ang manager na si Becky Aguila, Jen posed in her birthday suit before photographer Jay Tablante.

A few minutes after the nude shot was taken ay nakausap namin si Tita Becky, who told us na napakaganda ng shots ni Jen.

“Jen is very beautiful. This is her best photograph ever. Dito ko nakita na kahit ang isang buntis pala ay puwedeng makitaan ng sensuwalidad at sexiness. The nude photos were taken with so much class, kaya hindi mo kakikitaan ng kalaswaan,” sabi ni Tita Becky.

Si Jennylyn daw mismo ang nag-request ng sariling coffeetable book bilang gift nilang mag-ina sa fans at para na rin magsilbing souvenir at memento para sa kanyang first pregnancy.

Nakuha raw ni Jen ang ideyang ito sa sikat na foreign stars na sina Demi Moore, Christina Aguilera at Britney Spears, na pawang nag-pose nang nude during their pregnancy.

Kumusta naman si Jen habang kinukunan?

“Wala siyang kahit anumang inhibitions, she’s very relaxed and calm kaya naman siguro maganda ring lumabas ang shots. She’s happy na ginawa niya ito, no inhibitions whatsoever,” pahayag pa ng manager.

Pagkatapos manganak, magkakaroon pa siya ng another set of nude pictorial, but this time, kasama na niya ang kanyang baby.

Iri-release sa December ang nasabing coffeetable book sa Power Books at Fully Booked bookstores. Makikita rin dito ang full coverage ng panganganak ni Jen at may kasama ring CD-Lite na naglalaman ng six lullabies na siya ang kumanta, all for her baby.

Walong buwang buntis na si Jen at kasalukuyan pa ring nag-iisip ng ipapangalan sa kanyang baby boy, pero ang gusto niya ay may kinalaman sa music.

Ayaw na niyang magkaroon pa sila ng intriga ng ama ng kanyang dinadala na si Patrick Garcia, kaya gusto na niyang isara ang chapter na ito ng kanyang buhay at mag-start ng new life with her baby.

She still wishes Patrick the best and hopefully, ganundin ang aktor sa kanya.