Saturday, December 13, 2008

“One Night Stand” girls reveal secret desires

By : Edgar O. Cruz | Entertainment Editor | Entertainment Editor
12 December 2008 | 2:43 PM

The second press conference of 2008 MMFF official entry “One Night Only” from Octo Arts gave Buzzbox the chance to talk to the five female stars who opened up on their secret desires.

Diana Zubiri admits she still fantasizes about Wendell Ramos even if she has a one-year relationship with a non-showbiz boyfriend.

Jennylyn Mercado announced that Patrick Garcia is banned from entering the subdivision where she lives with Baby Alex Jazz, Patrick’s son. She said at the presscon, “I don’t want to talk to him any more, period!”

Alessandra De Rossi is producing an album “for nothing,” as she put it. Why? She composed and produced all songs. She’s planning to fly to Italy where her father lives to shoot a music video for the CD. When asked who will direct it, she answered she will direct it herself.

Katrina Halili admitted R&B singer Cris Lawrence is her current boyfriend.

Valerie Concepcion for her part admitted she has no boyfriend presently but fantasizes to have a one-night stand with none other than Sam Milby.

Friday, December 12, 2008

Jen, abot-langit ang galit kay Patrick



Jun Nardo
Abante

BURADO na talaga sa utak at puso ni Jennylyn Mercado ang nakabuntis sa kanyang si Patrick Garcia. Para kay Jen, ang anak at ang parents niya ang pinakaimportante sa kanya ngayon.


“Hindi ako malungkot ngayong Christmas, lalo na at kumpleto kami at may nadagdag sa pamilya,” say ni Jen, ang isa sa mga bida sa One Night Only.


Hindi ba niya kaila­ngan ang lalaki sa buhay niya ngayon?


“Hindi ko kailangan ng lalaki ngayon! My baby is enough! Trabaho muna at pamilya!” sagot niya.


Paano kapag naghanap ng tatay si Jazz?


“Darating din naman ang panahong ‘yon, pero hindi pa ngayon. Siyempre, pag tumanda ako, kailangan ko rin ng kasama sa buhay. Darating din naman ang tamang tao para sa akin. Huwag lang muna ngayon,” paniniguro ni Jen.


Matindi talaga ang galit niya kay Patrick, ha!


“Oo naman! Nadala talaga ako! Ha! Ha! Ha!” tumatawang tugon niya.
So, malabo na talagang magkabati sila ni Patrick?


“Oo! Wala na talaga! Wala na siyang kaila­ngang gawin. Ang pinakamaganda, kalimutan na lang. Parang walang nangyari. ‘Yun na lang. Wala na kasi talaga, eh! And I’m glad!”


Paano kung gustong makita ng anak niya ang tatay nito?


“Hindi muna siguro! Maghintay siya at kung kelan ako handa. Pero hindi muna ngayon,” bulalas niya.


Paano kung idaan nila sa legal na paraan ang sitwasyon?


“Game! Kung may laban sila! Ha! Ha! Ha!


“Unang-una, nakalagay sa birth certificate, NA (not applicable). Pangalawa, Mercado ang apelyido. At pa­ngatlo, hindi responsable! Ha! Ha! Ha!


“Pagkatapos kong maghirap, ganun-ganu’n na lang ‘yon? Ano, sinusuwerte sila? Hindi puwede!” matigas niyang sabi.


Makikipagpatayan pala talaga siya para sa anak niya.


“Oo naman! Sabi ko nga, out na siya!”


Pero, gumanda ang aura mo ngayon.


“Oo naman! Na­wala ang tinik sa dibdib ko, ‘no? Ha! Ha! Ha!


“Parang ganoon na nga. Isa siyang ma­laking tinik sa dibdib!”


Paano niya ipapapaliwang sa anak niya ang nangyari sa kanila ni Patrick?


“Sasabihin ko na napabayaan ako. Hindi responsible! Ganyan! Kailangang sabihin ang toto. Nasa sa kanya na ‘yan kung ihi-hate niya o hindi ang tatay niya! Ha! Ha! Ha!”


Ipagdadamot ta­laga niya si Jazz kay Patrick?


“Karapatan ko ‘yon!” sagot niya.


Abot-langit pala talaga ang galit niya kay Patrick.


“Ikaw ba naman, Tito, hindi magalit? Ewan ko na lang kung hindi kayo magalit. Nakakadala lang talaga!” sey niya.


Ang sakit naman.


“Ganoon talaga. Nasaktan din ako, eh. Mas masakit ang ginawa niya.”


Bakit hindi niya mabanggit ang pangalan ni Patrick?


“Ayoko na kasi, tapos na! Ewan ko sa kanila. Hindi pa yata sila nakakalimot. Basta ako, nakalimutan ko na talaga. Mas masarap ang feeling at mas masaya na ako ngayon!” matibay na paninindigan ni Jennlyn.


Teka, paano kung balikan siya ni Mark Herras na makakasama niya sa next projects niya sa GMA?


“Tingnan natin. Hindi naman ako nagsasara ng pinto, eh. Hindi lang ngayon ang tamang oras para ma-in love. Career muna at baby ko!” tugon ni Jennlyn.


***

Abu Tilamzik

Sa presscon din ng One Night Only kahapon ay medyo irita na sa kasasagot si Jennylyn Mercado kapag tungkol pa rin kay Patrick Garcia ang mga tanong.

Deretso ang sagot ni Jennylyn na ‘for­ever’ na raw na hindi niya ipakikilala ang aktor sa kanilang anak.

Kung ano man ang balak ni Patrick sa kanyang buhay, wala na siyang magagawa pero out na out na raw siya sa buhay nito at sa kanilang anak.

Sa ngayon ay focused daw siya sa trabaho at sa kanyang anak kaya wala raw munang lovelife sa kanya.

Hindi pa niya masabi kung kailan siya mai-in love muli.

Nabahiran ng intriga itong pagpunta ni Jennylyn sa Amerika dahil nandu’n din pala ang VJ na si Andrei Felix. Nagkaisyung baka nagkita sila roon.

Sagot ni Jennylyn, imposibleng magkita sila dahil magkalayo sila. Ang pagkakaalam niya’y nasa New York si Andrei at siya ay sa Los Angeles at San Francisco, Ca­lifornia.

Hindi raw sila nagkita roon at sakaling magkita, walang masama dahil magkaibi­gan naman sila.

Mabilis na itinanggi ni Jennylyn ang kuwento ni Mariel Rodriguez na nakita nito sa Shangri-La mall si Jennylyn kasama si Andrei.

Nagkita raw sila ni Mariel sa lugar na iyun pero nag-iisa lang daw siya at hindi niya kasama si Andrei.

Sa totoo lang, naapektuhan daw ang pagkakaibigan nila ni Andrei dahil sa intriga sa kanila.

Sa December 22 sa SM Megamall ang premiere night ng One Night Only. Baka ang Mommy Lydia lang daw niya ang kasama ni Jennylyn at wala raw siyang ka-date.

Jun Lalin
Abante Tonite


More than three months old na ang baby ni Jennylyn Mercado kay Patrick Garcia pero hindi pa rin ‘yon napapabinyagan ng first StarStruck female survivor.

Sa dami raw ng ginagawa niya ngayon ay hindi pa niya maasikaso ang tungkol sa bagay na ‘yon.

Malamang daw na early next year ay pabinyagan na niya ang bata.

Sa presscon kahapon ng pelikulang One Night Only (MMFF entry ng Canary Films) ay sinabi ni Jennylyn na habang nagtatagal ay nagiging kamukha niya ang bata.

Sey naman sa kanya ng mga kausap niya, sinasabi lang niya ‘yon dahil galit siya kay Patrick, pero ang totoo ay ang tatay nito ang kamukha ng bata.

Napangiti lang si Jennylyn.

Hindi ikinaila ni Jennylyn na wala na silang communication ni Patrick dahil hindi nito alam ang cellphone numbers niya.

Samantala, natutuwa si Jennylyn dahil active na naman siya sa kanyang showbiz career.

Bukod sa promotions ng One Night Only mo­vie na pinagbibidahan nila ni Katrina Halili, Alessandra de Rossi, Valerie Concepcion at Diana Zubiri ay nasa pre-production stage na ang sinenobela nila ng ex-boyfriend na si Mark Herras.
***

Wednesday, December 10, 2008

Jennylyn rumaket sa abroad para makabayad sa tumalbog na tseke

By: Joferd Nievera
People's Journal


SA punto ng pananalita ni Jennelyn Mercado tila wala talagang balak ipakita ang anak kay Patrick Garcia.

Kaya kung kami si Pat maigi pang daanin na lang nito sa legal na paraan ang lahat para makita ang anak at maputol na ang pagmamatigas ni Jen.

Tingin namin, bilang ama, may karapatan si Patrick na makita at masilayan man lang ang anak sa singer/actress.

Dugo at laman niya ang bata kaya hindi dapat pagkaitan ng karapatan ang aktor.

Samantala, rumaket daw nang husto sa U.S. itong si Jennelyn para sa ganu’n ay may pambayad ito sa mga tsekeng tumalbog na pinapalitan umano nito sa isang negosyante.

Matindi raw ang banta ng nasabing negosyante kay Jen na kung hindi raw nito bayaran ang tsekeng tumalbog maraming kaso ang tiyak na aabutin niya.

Tiniis talaga ni Jennelyn na pansamantalang mawalay sa anak alang-alang sa mga tsekeng ito na tiyak magbibigay sa kanya ng sakit ng ulo at kahihiyan.

* * *

Tuesday, December 09, 2008

Out of the picture

By Dolly Anne Carvajal
Philippine Daily Inquirer
First Posted 22:41:00 12/08/2008

Patrick Garcia is very vocal about his desire to see his love child AJ. But his ex Jennylyn Mercado refuses to let Pat get a glimpse of their baby.

Perhaps she just doesn’t want to open old wounds. “No more Pat issues please,” Jen reiterates. “It’s not healthy for my career. I’ve already said that he’s out of the picture.”

Ouch! Pat banned from bonding with AJ!

Sunday, December 07, 2008

Jennylyn Mercado and Mark Herras to revive love team with "Paano Ba Ang Mangarap"

Rose Garcia
Sunday, December 7, 2008
03:41 PM


Kadarating pa lang ni Jennylyn Mercado from the U.S. pero heto nga't nakuhanan pa ng Startalk ang pag-alis niya nung Huwebes patungong Dubai kasama sina Mark Herras at Mang Enriquez. Pupunta sila roon para sa isang event ng GMA Pinoy TV.

Huling nagkasama sina Mark at Jennylyn sa ibang bansa nang gawin pa nila ang I Luv New York sa Amerika. Ayon kay Mark, malamang naman daw na meron pa rin namang nakaka-0miss sa tambalan nila at gusto silang makita ni Jen together.

"Ang plano lang namin, gusto naming matuwa ang mga tao sa amin. Hindi naman namin sinasabi na agad-agad. Basta yung Dubai, i-enjoy lang namin para mag-enjoy lang yung mga tao. Yun lang din ang nasa isip ko ngayon," pahayag ni Mark.

Magiging hectic daw ang schedule nila sa Dubai, ayon kay Jen.

"Yung itinerary kasi namin, medyo tight ng konti, so, baka hindi kami makapagpasyal."


MATURED JEN AND MARK. Pagbalik naman daw ng dalawa ay magsisimula na sila sa kanilang drama series kunsaan, ibang Jennylyn at Mark na ang puwedeng mapanood ng mga tao sa kanila.

"Malamang na sisimulan na po yung Paano Ba Ang Mangarap," banggit ni Mark.

Kuwento naman ni Jen, "Siyempre iba na. Mas matured na kami. Siyempre, hindi na katulad ng dati na parang tweetums na love team."

Dugtong naman ni Mark, "Siguro mas iba na nga ngayon katulad sa mga nangyari kay Jen, sa mga pinagdaanan niya. ‘Tapos siyempre, hindi naman puwedeng hindi ako naggo-grow, di ba? So, siyempre, habang dumaraan ang panahon, lahat nagma-mature, lahat nag-iiba. So, siguro ngayon, tulad nga ng sabi namin ni Jen, less pa-tweetums na ang gagawin namin sa mga darating naming shows. Pero, hindi naman siguro ganoon na ka-daring. Pero still, wala nang pa-cute-cute. "

Ngayong ready na sila sa mas mature roles, totoo nga bang ready na rin si Mark na magpakita ng katawan?

"Pinag-iisipan ko pa kung magpapalaki ako ng katawan...kasi, kung magpapakita ‘ko, dapat magpalaki ako ng katawan. Pero once na nagpakita ‘ko, alam mo yun, parang nagse-semi bold ka na."

Natawa si Jen sa ginamit na termino ni Mark na "semi-bold."


LOVE TEAM YES, LOVE LIFE, NO. May nagsasabing baka malaki raw ang posibilidad na magkabalikan silang muli lalo pa nga't sila na naman ang magkakasama sa mga projects nila sa GMA-7.

"Wala kasi kaming communication for a long time. Ngayon lang ulit kami nagkita. Hindi naman nagbabago ‘yan, e. Ganoon pa rin," sabi ni Jen.

Ayon naman kay Mark, "Yung hitsura ni Jen, mature na, maganda pa rin."

Hirit naman ni Jen, wala na muna raw love life. Baby muna raw. Yun daw ang focus niya. Ang trabaho, pamilya at ang baby niya na si Alex Jazz. At dahil isang araw lang daw ang inilagi niya sa Pilipinas pagkagaling ng Amerika, miss na miss daw niya talaga ang anak.

"Sobra! Hindi ko na siya binitawan pagdating ko. Hindi na ‘ko umalis ng bahay. Kaya nga nalulungkot na naman ako. Pero, nandoon naman ang mommy ko. At saka, babalik din naman ako, sandali lang ako."


PATRICK GARCIA.
Sinagot din naman ni Jen ang isyung hindi na raw muna mag-aartista si Patrick hangga't hindi pa niya nakikita ang anak nila.

"I think, that's his problem na. Kung ayaw niya, e, di huwag. I don't care. Katulad nga ng sabi ko, wala na ‘kong pakialam. Out na siya sa picture and, di ba, kung talagang sincere ka, bakit mo kailangang idaan sa media? Ano yun, pakitang-tao or gusto mo lang ng sympathy ng tao? Hello! Ano ba yun? Obvious naman na hindi totoo."

Dugtong pa ni Jen, "Kung gusto niya talagang ayusin at sincere siyang talaga, hindi niya yun idadaan sa media. Walang publicity."

Aware din si Jennylyn na nali-link ngayon si Patrick kay Glaiza de Castro.

"Oo! I'm happy for them and why not, di ba? Single naman siya. At single naman si Glaiza, so, bakit hindi? Single din ako. Nakasama ko na si Glaiza, Kaputol ng Isang Awit...mabait si Glaiza, so, kumbaga, hindi ako against kay Glaiza at wala talagang masama. Gusto kong maging masaya sila.

"Kasi ako, naka-move on na ‘ko at gusto ko, ganoon din siya. Tantanan na niya yung kung anu-anong intrigang yan, ayoko na ng ganyan."

Nagkaroon na nga ba sila ng communication ni Patrick simula nang manggaling ito ng Amerika?

"Wala...wala talaga, at sanay na naman ako. Wala talaga. At wala na rin akong planong marinig ang kahit ano. Wala akong interes. Wala na rin akong kuneksiyon. Kung ano ang sinabi ko, yun na yun. Walang pagbabago. Tumutupad naman ako sa usapan. As in, tantanan! Period! Yun. Huwag ka nang magulo, di ba? Huwag mo na kaming guluhin, di ba? Masaya na kami ngayon. Hindi ko na siya kailangan," ang tahasan ngang mga pahayag ni Jen.