Monday, September 21, 2009

Abu Tilamzik

As of this writing, hindi pa dumating si Patrick Garcia sa SOP na may production number kasama si Glaiza de Castro.

Inaabangan ang pagdating ni Patrick dahil nasa studio rin si Jennylyn Mercado para sa promo ng bagong primetime series nila ni Mark Herras na Ikaw Sana.

Madalas, dala-dala na ni Jennylyn ang anak niyang si Alex Jazz pero hindi nito dinala sa SOP kahapon.

Natunugan siguro ni Jennylyn na guest din doon si Patrick kaya iniwan na niya sa bahay ang kanyang anak.

Nu’ng Sabado ay dala niya ito nang mag-guest sa Startalk at pinagkakaguluhan ito ng mga staff pati ng mga artistang tuwang-tuwa sa bata.

Gusto raw kasi ni Jennylyn na masanay na sa mga tao ang anak niya dahil matagal din itong nasa bahay lang.

Kahapon lang niya hindi dinala na kung nagkataon, makikita na sana ito ni Patrick.
Hindi pa rin daw handa si Jennylyn na ipakita ang anak niya kay Patrick.

Mas sanay pa nga ngayon ang bata kay Mark.

Mamayang gabi na pala magsisi­mula ang Ikaw Sana pagkatapos ng Hole in the Wall.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home