Monday, September 21, 2009

Allan Diones

Happy si Mark Herras na muling pinagkatiwalaan ng GMA ang loveteam nila ni Jennylyn Mercado sa teledramang Ikaw Sana (na magsisimula ngayong gabi bago mag-24 Oras).

Ayon kay Mark, kahit na ipinapareha sila ni Jen sa ibang artista ay iba pa rin ang loveteam nilang dalawa.

Mahirap daw humanap ng kapartner na kagaya ni Jen na siguradong gusto ng mga tao.
Habang tumatagal ay maraming nakakapansin na tila lalong gumaganda ang dati niyang nobya. Hindi ba nanunumbalik ang feelings niya para kay Jen?

“Hindi naman nawala ‘yung feelings ko kay Jen, eh. And if ever na magkaroon ng chance, I’m still hoping na meron pang possibility.

“Tumitiyempo lang ako ng right time. Hindi naman kami nagmamadali, eh.

“Siguro, pinapakiramdaman ko lang din. Sign lang siguro ‘yung hinihintay ko para mag-make ako ng move. Pag naramdaman ko na ‘yung kabog na naram­daman ko dati,” pahayag ni Mark.

Sinang-ayunan ni Mark ‘yung sinabi sa amin ni Jen na parang walang pinagkaiba ‘yung mga halikan nila ngayon sa halikan nila nu’ng magkarelasyon pa sila.

“Ganu’n pa rin naman. Siyempre, may feelings pa rin na kasama. Kasi, pangit naman pag humalik ka na halik-trabaho lang, eh. Makikita ‘yon sa TV.

“So siyempre, once you kiss a girl, lalo na ‘yung tulad ni Jen na loveteam at ex, hindi mo maiiwasan ‘yon. Naramdaman ko pa rin ‘yung spark nu’ng kiss na ginagawa namin before,” nakangiting sambit ng young actor.

Samantala, proud si Mark na pinakilala siya ni Jen sa anak nito kay Patrick Garcia na si Alex Jazz o AJ. Siya pa lang yata ang nakikilala nito sa lahat ng guys na nali-link kay Jen.

“Kaya nga pag nagsalita si AJ, ang sasabihin no’n sa akin, ‘Daddy! Daddy!’ Ha! Ha! Ha! Hindi, biro lang!

“Iba kasi talaga ‘yung pinagsamahan namin ni Jen, eh. Iba ‘yung naging relasyon namin before kaya gano’n!”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home