Friday, September 11, 2009

Default Re: Jennylyn Mercado: Soon to Be Next Important Star of Viva Empire thread # 286 Mark Herras-Jennylyn Mercado love team back in new soa

Balik tambalan sa primetime ng Kapuso Network sina Mark Herras at Jennylyn Mercado. At dahil kapwa loveless ang dalawa, marami ang nagtatanong kung posible kayang magkabalikan sila.

Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na hindi nakaligtas sa paningin ni Mark ang pagiging blooming ng dating nobya na si Jennylyn nang magsama sila sa pictorial para sa bago nilang soap project na “Now That I Have You."

Aminado ang dalawa na mas lalo silang naging close ngayon kaysa noon. Batid din nila na umaasa ang kanilang mga fans na magkakabaligan sila sa huli.

Mangyari naman kaya ito?

“Siyempre hindi pa rin ako magkapagsasalita ng tapos ‘di ba, ‘di ko rin alam kung ano ang mangyayari in the future. Pero as of now i-enjoy lang muna namin ang ginagawang trabaho," sambit ng binata.

Inihayag naman ni Jennylyn na walang nakakaalam kung ano ang magiging kapalaran nila ni Mark.

“Hindi naman natin kumbaga mapagdedesisyunan, hindi rin natin hawak ang destiny so kung ano man ang mangyayari tingnan lang natin, ika nga go with the flow," paliwanag ni Jen.

Hanggang ngayon, espesyal pa rin kung ituring nina Mark at Jen ang isa’t-isa.

“Lagi siyang may special place sa akin dahil siyempre kaibigan ko ‘yan. Kahit papaano marami na kaming pinagdaanan," ayon sa aktres.

Matinding na love story ang ipakikita nina Mark, Jen at co-star na si Pauleen Luna sa "Now that I Have You." Sa pictorial pa lang, matindi na ang tuksuhan dahil minsan ding na-link si Mark kay Pauleen.

Kamusta na nga ba ang reasyon ni Mark kay Pauleen?

“Parang kaming magkapatid…magkapatid kami kay (talent manager) Nanay Lolit (Solis), okey naman ang relationship namin ni Pau(leen), sobrang close din kami ni Pau," paliwanag ng aktor. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

0 Comments:

Post a Comment

<< Home