Friday, September 11, 2009

Jennylyn Mercado, pumirma na sa VIVA Artist Agency

By: Vinia Vivar

Kagabi ang scheduled contract signing ni Jennylyn Mercado sa Viva Artists Agency ni Veronique del Rosario.

Siniguro ng co-manager na si Becky Aguila na kahit VAA artist na ang young actress, hindi ito magkakaroon ng conflict sa home studio na GMA-7 dahil pagdating sa TV career, solo niya ang pagma-manage sa alaga.

“Partners kami ng Viva sa movie, commercial at singing career ni Jen. Sa TV, ako pa rin naman at nag-usap kami ni Ma’m Wilma Galvante na as long as hindi nila pababayaan si Jen, she will be staying sa Kapuso,” pahayag ni Tita Becky.

Two years ang kontrata ni Jen sa VAA, na equivalent to two movies and two recording albums.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home