Tuesday, September 22, 2009

Jennylyn, pinasiseksi ng bagets!


(RUEL MENDOZA)


ANG paghabul-habol sa makulit niyang anak na si Alex Jazz daw ang dahilan kung bakit napapanatili niyang seksi ang kanyang katawan.
Sabi niya, magandang exercise raw ‘yon na maghabul-habol sa bagets niyang anak para maging seksi siya.

“Ang kulit na kasi ni AJ. Noong matuto na siyang maglakad, hayun natuto kaagad na tumakbo. Kaya ako habol lang nang habol sa kanya.

“Kaya heto, pumapayat ako dahil sa kakaalaga sa kanya kapag nasa bahay ako. Hindi nga ako makakain ng tama kapag inaalagaan ko si AJ. Kaya ito ang na siguro ang secret ko, mag-alaga kayo ng isang makulit na one-year old na lalake at seseksi kayo! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi ni Jen.

Anyway, bida na naman sina Jennylyn at Mark Herras sa bagong drama series ng GMA-7 na Ikaw Sana.

“Nakakatuwa kasi si Direk Joel (Lamangan) ulit ang director namin dito sa Ikaw Sana. Gamay na gamay na namin si Direk Joel kasi naidirek na niya kami before ni Mark sa mga pelikula namin na So Happy Together at Blue Moon. Kaya alam namin na maganda ulit itong series namin.

“At siyempre, sa­lamat sa GMA-7 dahil nandiyan pa rin sila at sinusuportahan kami. Maraming salamat sa muling pagbigay sa amin ng isang mala­king series na pagtutulungan naming pagandahin araw-araw.”

Kahit na nga nakakontrata na si Jennylyn sa Viva Artist Agency, hindi raw siya aalis ng GMA-7 dahil wala naman daw dahilan para iwan niya ang pagiging Kapuso. Naibalita nga ni Jen na may gagawin siyang ilang pelikula sa Viva Films.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home