Tuesday, September 22, 2009

Mark Herras,astang Daddy ng anak ni Jennylyn Mercado


by Ruben Marasigan

KUMBINSIDO NA KAMI na hindi press release lang ang magandang samahan ngayon ng dating magkarelasyon na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Noong una kasi, dahil nagbabalik-tambalan ang dalawa, inakala naming put-on lang ito para pakiligin ang fans nila.

Not until we saw them sa dressing room ng Eat Bulaga kamakailan nang sabay silang mag-guest. Kasama ni Jennylyn that time ang kanyang anak kay Patrick Garcia. At nakita naming kung gaano ka-close ang dalawa. Iisipin mo talaga na sila ulit.

Close rin si Mark sa anak ni Jennylyn na buong giliw pa niyang kinakarga-karga as if siya ang daddy ng bata, huh! At wala namang masama kung umakto siyang parang daddy kasi inaanak naman niya ito.

Nang mag-guest si Jen sa Showbiz Central last Sunday, mismong si Mark ang nagtatanong through VTR na kung sakaling manligaw ulit ito sa kanya, may posibilidad ba na sagutin ulit niya ang binata. Wang kagatul-gatol na oo agad ang naisagot ni Jen.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home