Saturday, September 19, 2009

Mark, may pagnanasa pa rin kay Jennylyn

Ni JUN NARDO


TULUYAN na raw tinanggal nina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang ‘hiya’ nila sa isa’t isa, nga*yong magkasama na naman sila sa primetime series na Ikaw Sana.


“Marami na kaming pinagdaanan, pinagsamahan kaya ginagawa na namin ang lahat, ‘yung tama para mapaganda ang series,” bungad na sabi ni Jen.
May bago bang mapapanood sa kanila?


“Siguro, mas maraming mangyayari na iba. Iba ‘yung story. Mas maraming kissing scenes! Ha! Ha! Ha!


“Hindi gaya ng dati na bagets kami. Mas mai-express namin ngayon ang feelings namin,” tugon naman ni Mark.


Pareho pa silang loveless, huh!


“Oo, pero malay ninyo! Ha! Ha! Ha!” sagot ni Mark.


“Si AJ ang pinaka-love ko ngayon! Wala nang iba,” sagot naman ni Jen na sa totoo lang ay seksing-seksi ngayon.


Teka, mukhang sariwang-sariwa si Mark ngayon?


“Naman! Para poging-pogi! Ha! Ha! Ha!” reaksyon ni Mark.


At pareho pa niyang naging karelasyon ang mga kasama niya sa Ikaw Sana, sina Jen at Pauleen Luna.


“Hindi! Nagkaroon kami ng isyu ni Pau noon, pero friends lang kami. Kami ni Jen ngayon, wala nang hassle sa set hindi gaya nu’ng bata pa kami.

Wala na kaming arte-arte. Nangyayari sa amin dati ‘yong nahahalata na may away kami,” pahayag ni Mark.


Ngayong loveless si Jen, hindi nagsasara ng pinto si Mark sa muling pagababalikan nilang da*lawa.


“‘Yung relasyon ko with Jen ang pinakamatagal at hindi ko malilimutan!

Ang nagbago sa kanya, ‘yung nag-mature na! Minsan may oras na napapatitig ako ngayon kay Jen. Kung maganda na siya before, mas maganda siya ngayon!” tugon ni Mark.


May pagnanasa ba ba siya?


“Ha! Ha! Ha! Palitan natin ang word. ‘Yung may feelings pa rin! Ha! Ha! Ha!” kaswal na tu*gon ni Mark.


Naku, ganun din ‘yon, ‘no! Pagnanasa pa rin ‘yon. Ha! Ha! Ha! Ha!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home