Saturday, September 19, 2009

Mark, tuwang-tuwa sa anak ni Jennylyn

Abu Tilamzik

PASKO na ang theme ng presscon ng Ikaw Sana nina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Ramdam na ramdam mo ito dahil napakalamig sa loob ng studio.

In fairness sa dalawa, nandiyan pa rin ang ma*gic ng kanilang loveteam at kahit feeling mo para lang sa promo ang mga komento nila sa isa’t isa, naramdaman mo namang sincere sila sa mga sina*sabi nila.

Naikuwento ni Jennylyn na dumadalaw paminsan-minsan si Mark sa bahay nila para kumustahin ang inaanak nitong si Alex Jazz.

Hanggang ngayon ay malapit pa rin kasi si Mark kay Mommy Lydia na sa totoo lang, iisa lang ang gusto nitong makatuluyan ni Jennylyn, si Mark lang.

Tuwang-tuwa si Mark sa baby at minsan ay naikuwento nito kay Patrick Garcia na kamukhang-kamukha nito ang bata.

Tahimik lang daw si Patrick na gusto raw nitong makita ang kanyang anak.

Si Jennylyn naman ay iniiwasan nang pag-usapan si Patrick lalo na pagdating sa kanilang anak.

Iyun pa rin ang sagot niyang in God’s time ay makikita ni Patrick ang kanilang anak at doon na lang daw niya pag-iisipan kung paano niya ito ipaliwanag sa kanyang anak.

Tinanong namin si Jennylyn, sakaling may bago siyang makarelasyon, okay lang ba sa kanya na ito na ang ipakikilala niyang ama ng kanyang anak?

“Opo, okay lang po. Basta mahalin lang niya si AJ at ituring na anak niya ay okay na po sa akin iyun,” sagot agad ni Jennylyn.

Sakaling si Mark pala iyun, puwede na rin ba sa kanya na si Mark ang kilalanin nitong ama?

“Bakit hindi?” mabilis niyang sagot. “Lahat naman po, posible, eh. Hindi natin masasabi kung ano ang puwedeng mangyari, pero ngayon naman, nakikita ko natutuwa si Mark sa pagiging ninong kay AJ.”

Okay na okay din si Mark na kilalaning anak si AJ sakaling magka*balikan sila ni Jennylyn. Napamahal daw sa kanya ang bata at noon pa man ay walang nabago sa closeness nila kahit magkaibigan na lang sila.

Nilinaw ni Mark na hindi niya inaagaw kay Patrick ang pagiging ama nito. Ang payo niya kay Patrick na dapat si Jennylyn ang kausapin nito para mapagbigyan na siyang makita ang anak.

“Kay Jen lang naman ‘yan lahat, eh. Si Jen lang ang susi para mabigyan na siya ng chance na makita ang baby. Nasa kanya na iyun kung kailan niya gustong kausapin si Jennylyn,” pahayag ni Mark.

***

0 Comments:

Post a Comment

<< Home