Friday, October 23, 2009

Abu Tilamzik


Kasama ni Nancy Jane na dumating sa event ng Coco Chanel kamakalawa si Cheska Garcia at ang mommy nitong si Beng Garcia.

Excited na napag-usapan ang baby ni Cheska at tuwang-tuwa si Mommy Beng sa pagkukuwento dahil kamukhang-kamukha raw ito ni Cheska.

Nakikita nila sa TV ang anak ni Patrick Garcia kay Jennylyn Mercado at kamukha nga raw ito ni Patrick.

Iniiwasan na ni Cheska na magsalita tungkol sa pagbabawal ni Jennylyn na makita ang bata dahil ayaw na raw nilang lumala pa ang usapan.

Hayaan na lang daw munang lumamig ang lahat. Sana raw, dumating din ang araw na makita nila ang baby dahil gusto nila itong mahawakan at mayakap.

Wala raw silang magagawa sa ngayon kung iyun ang desisyon ni Jennylyn. Sa ngayon ay naka-focus na muna si Mommy Beng sa pag-alaga sa apo niya kina Cheska at Doug Kramer.
***

0 Comments:

Post a Comment

<< Home