Wednesday, November 04, 2009

By: Noel AsiƱas


TOTALLY ay nilimot na talaga ni Jennylyn Mercado si Patrick Garcia.

Sa huling interview kay Jen sa set ng Ikaw Sana ay tahansang sinabi nitong binura na niya sa alaala niya si Patrick.

Pero hindi maikakailang ang isang alaalang naiwan sa kanya ni Patrick ay ang anak na si AJ, na lumalaking kamukha ng ama.

Abala naman si Jen sa kanyang career sa lalong gumaganda soap nila ni Mark Her-ras na Ikaw Sana.

Sa istorya ngayon ay nakalaya na si Jen pero talagang may ibig magpatahimik sa kanya.

Pagkatapos niyang makulong, may gusto namang pumatay sa kanya.

Tuluyan na kayang magkahiwalay ng landas nila ni Mark sa Ikaw Sana?

Araw-araw ay kasabik-sabik ang mga eksena sa naturang soap na lalong pinagugulo ni Pauleen Luna.

Mapapanood ang Ikaw Sana pagkatapos ng Family Feud.

* * *

0 Comments:

Post a Comment

<< Home