Sunday, November 01, 2009

Cristine, Jennylyn, Eugene at Ruffa, labu-labo sa ‘Working Girls 2010’!

(REY PUMALOY)

excerpt

Kinumpirma na ni direk Joey Reyes na tuloy na tuloy na ang pagri-remake ng pelikulang Working Girls. Working Girls of 2010 raw ang magiging title nito, at ang Viva Films pa rin ang magpuprodyus.


Kinumpirma ni direk Joey na sina Cristine Reyes, Jennylyn Mercado, Eugene Domingo at Ruffa Gutierrez daw ang magiging bida sa pelikula.


Pag-amin ni direk Joey, sobrang excited siyang gawin ang pelikula, dahil kasama pa rin sa cast sina Gina Pareño, Maria Isabel Lopez, Carmi Martin at Rio Locsin. Sila raw ang siyang gaganap na mga nanay sa pelikula.


Sa ngayon, binubusisi raw nang husto ang script, at malamang na sa April 2010 na ito maipalabas.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home