Saturday, November 07, 2009

Jennylyn gustong kausapin ang nanay-nanayang ipinakulong

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon)
Updated November 07, 2009 12:00 AM

Dapat pala talagang kainggitan ng mga nagda-diet at nagwu-workout si Jennylyn Mercado dahil malakas kumain, pero ang slim pa rin. Steak with pasta ang nakita naming nilantakan nito sa breaktime ng taping ng Ikaw Sana kahapon at bago ‘yun, sandamakmak na yogurt ang kinain at binalikan pa nang maubos ang steak.

Nasasaktan si Jennylyn sa mga totoong sampal at sabunot ni Pauleen Luna sa kanya sa Ikaw Sana dahil ayaw ni direk Joel Lamangan ng daya. Ang kaigihan lang, nagre-rehearse sila bago ang take at marunong mag-control ng lakas si Pauleen at wala siyang suot na singsing, pero sa eksena nila kahapon, natanggal niya ang hair extension ni Jennylyn.

Hindi alam ni Jennylyn na inaaway ng fans niya si Pauleen, kaya nakiusap itong ‘wag personalin ang napapanood sa TV dahil malayo ‘yun sa totoong buhay.

Samantala, hindi pa nakikita ni Jennylyn si Mel Pulmano mula nang mahuli ito. Given the chance, gusto niya itong makausap para lang malaman ang totoo.

“Gusto ko siyang dalawin sa kulungan kung papayag ang lawyer ko. Gusto kong malaman ang totoo na hanggang ngayon ‘di ko pa alam. Wala pang makapagsabi sa akin ng totoong dahilan. Okey nang ‘di bumalik ang perang kinuha niya dahil kikitain ko rin ‘yun, gusto ko lang malaman kung bakit niya ginawa ‘yun dahil naging nanay-nanayan ko rin siya,” sabi ni Jen.

* * *

0 Comments:

Post a Comment

<< Home