Saturday, November 07, 2009

Jennylyn Mercado is a bit sad that her former PA is now behind bars


Rommel Gonzales
Friday, November 6, 2009
04:18 PM


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn Mercado kaninang tanghali, November 6, sa taping ng Ikaw Sana sa Il Terrazzo sa Tomas Morato, Quezon City.

Tinanong namin kay Jennylyn kung ano ang naging reaksiyon niya sa pagkakakulong ng dati niyang personal assistant na si Rowena "Mel Pulmano" sa salang qualified theft na isinampa niya laban dito.

"Siyempre nalungkot," sagot niya agad. "Nalungkot dahil kahit papapano naman kasi naging... Di ba? Naging parang nanay-nanayan ko yun, e."

Bago pa maaresto si Mel, pinatawad na raw ito ni Jennylyn.

"Binitawan ko na, e. Nag-let go na ako ng lahat ng mga galit ko. Pero siyempre, hindi naman na ako yung magdedesisyon. Kumbaga, this time, wala na sa akin yung desisyon, nandun na sa korte," sabi ng aktres.

Hindi pa raw niya nakakausap ulit si Mel.

"Never, kasi nga yung first time na nagkausap kami after the incident, yun lang yung pinuntahan ko siya sa bahay, kasama ko sina Tita Becky [Aguila, Jennylyn's manager]. Yun yung nalaman ko na [may nangyari], hindi na namin siya makontak.

"So ang ginawa namin, pinuntahan na namin siya sa bahay. Hindi ko naman siya nakausap kasi nagtutulug-tulugan siya dun. Yun lang, ginigising ko pa nga siya, 'Tita Mel, Tita Mel...' Ganun lang po. Pero after nun, never, never na. Wala, walang text, walang kahit ano. Wala talagang kahit ano."

Given a chance, dadalawin ba niya si Mel sa bilangguan?

"Yes, yes," sagot ni Jennylyn. "Opo, 'yon ay kung papayagan ako ng attorney ko na pumunta."

Halimbawang nadalaw niya si Mel at kaharap na niya, ano ang sasabihin niya dito?

"Gusto kong malaman lang kung... Kasi never kaming nagkausap, so gusto ko lang itanong sa kanya kung ano ba talaga ang nangyari. Kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang totoo. Hindi pa rin clear sa akin kung ano ba talaga ang lahat ng... kung bakit niya nagawa, ano ba talaga ang dahilan, ano ba ang totoong reason. Kasi wala, walang nakarating sa akin na totoong dahilan, wala talaga kahit isa."

Kahit hindi na maibalik sa kanya ang mga pera niyang nawala?

"Okay na lang. Kumbaga, pera na lang yun, kikitain ko naman ulit yun, e. 'Tsaka wala, wala na tayong magagawa, nandiyan na 'yan," sabi ng aktres.

FIGHT SCENES WITH PAULEEN. Marami raw fans ni Jennylyn ang nagagalit kay Pauleen Luna dahil sa mga eksenang sinasaktan ng huli ang first StarStruck female survivor sa Ikaw Sana. Recently nga lang daw, habang naglalakad si Pauleen sa isang mall ay may tumapik dito na isang matandang babae at tinalak-talakan siya dahil daw sa pang-aapi nito kay Jennylyn sa naturang drama series ng GMA 7.

Ano ang reaksiyon dito ni Jennylyn?

"Grabe! Hindi ko alam yun!" bulalas niya.

Ayon kay Jennylyn, lahat daw ng sampal at pananakit ni Pauleen sa kanya sa mga eksena nila sa Ikaw Sana ay totohanan at walang daya.

"Lahat naman po totoo, e."

So, nasasaktan na siya ni Pauleen?

"'Sakto lang po," sabi ni Jennylyn. "Pero hindi, naiintindihan ko naman kasi kailangan. Pag kay Direk Joel [Lamangan], totoo, e, hindi puwedeng dinadaya. Si Pauleen, marunong siyang mag-ano, marunong siyang magkontrol."

Pero yun nga lang, naaapektuhan ang fans ni Jennylyn at galit na ang iba kay Pauleen.

"Ibig sabihin, effective siya, magaling siyang artista," sabi ni Jennylyn. "Siguro ano, magaling siyang artista kaya ganun. Pero sana huwag naman nilang personalin. Kasi kung ano yung nakikita nila sa TV, yun lang yun. Ano lang yun, kumbaga, part lang yun ng trabaho namin bilang artista. Pero hindi naman kami magkaaway sa totoong buhay."

PATRICK GARCIA. Hindi pa rin daw sila nagkikita at nagkakausap ni Patrick Garcia, ang ama ng kanyang anak na si Alex Jazz.

"Hindi pa. Wala rin akong plano. Hayaan mo na, huwag na yun. Huwag na nating pag-usapan," pag-iwas niya.

Walang move si Patrick na kausapin siya?

"Hayaan mo na."

Wala pa ring suporta?

"Wala."

Paano kung mag-offer si Patrick na magbigay ng financial support?

"Wala namang... malabo, malabo! Malabo na po yun. Ayoko na siyang pag-usapan!" iwas pa rin niya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home