Wednesday, November 25, 2009

Patrick Garcia, patuloy na nagmamakaawa kay Jennylyn “Give me a chance!”

(ROSE GARCIA)



“GIVE me a chance,” ang patuloy na mensahe ni Patrick Garcia sa ina ng anak niyang si Alex Jazz na si Jennylyn Mercado.


Open book sa l­ahat na hanggang ngayon ay matigas pa rin si Jennylyn na hindi ipakita o ipakilala ang anak na si AJ sa ama nito.


Aminado si Patrick, nasasabik na siya na ma­ya­kap man lang ang anak niya. In fact, gumawa na rin daw siya ng move, na kung saan ay nagpadala raw siya ng text message kay Jen.


“Pero huwag na lang nating anuhin… basta kung anuman ‘yung gusto kong sabihin, personal ko na lang sasabihin. I’m not comfortable… parang I want to be careful in doing anything. I don’t want to… na baka makasira sa sana ay pagiging okey namin,” seryosong sabi ni Patrick.


“I’m making my steps slowly but surely. Ayoko kasing makasira,” dugtong pa niya.


Hiniling ba niya na sana ay nakasama niya sa Prague nu’ng nagti-taping sila ng Full House, si AJ?


“Kahit hindi naman sa Prague, kahit saang parte ng mundo, gusto kong makasama siya.”


Umiiyak pa rin ba siya?


“I’ll just keep it to myself na lang,” sagot niya.


Anyway, hindi na raw mabilang ni Patrick kung ilang regalo na ang binili niya na nasa bahay nila, para ibigay sana sa anak. Tulad na lang noong nakaraang birthday nito at Christmas.


Palagi rin daw siyang nasa nursery section ng mall. At inamin din niya na kailan lang ay bumili siya ng helicopter. Isang malaki at isang maliit.


Biro namin kay Patrick, bakit hindi na lang niya ipa-FED-EX o LBC kaya?


“Ang bad mo!” nata­tawang sabi niya sa amin.


“Siyempre, I’m still waiting for the time na maibibigay ko rin ‘yun sa anak ko ng personal.”


Aminado si Patrick na dahil hindi pa niya nakakasama o nakikita ang anak, hindi pa raw niya alam kung paano ang maging isang daddy.


“Hindi ko pa talaga alam kung ano ang nararamdaman ng isang dad.

Siguro, when I get to see him.”


Sa tingin ba niya ay darating pa rin pagkaka­taon na `yon?


“I hope…I hope. I know that Jen is not naman that bad. That’s why I am taking things slowly. Mahirap madaliin.” Walang ibang wish, at tila nagmama­kaawa na nga si Patrick, na ngayong dara­ting na Kapaskuhan ay makita at mayakap ang kanyang anak.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home