Thursday, November 26, 2009

Sana, mapatawad na ni Jennylyn si Patrick

Joe Barrameda


Muli naming nakita ang nagbabalik na si Patrick Garcia na guwapung-guwapo at seryoso na yata ito.

May mahalagang role siya sa Full House . As usual, ang itinatanong sa kanya ay ang nasirang relasyon nila ni Jennylyn Mercado.

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Patrick na makikita niya ng kanyang anak kay Jen.

Wish niya na bago mag-Pasko ay mahawakan man lang niya ito.

Nag-text siya kay Jen kamakailan. Ang paghingi ng tawad kay Jen, ang wish na makita ang anak at ang pangarap niya na magkaayos sila ni Jen bilang magkaibigan ang nilalaman ng text.

Diyos lang ang makakaalam kung kailan pagbibigyan ni Jen ang hiling ni Patrick.

Sa gumagandang istor­ya at mataas na ratings ng Ikaw Sana ay sana maging daan na ito para mapatawad ni Jen si Patrick.

Ano ba naman ‘yung lumipas na mahabang panahon?

Gusto pa ba ni Jen na dala-dala niya sa kalooban niya ang galit niya sa ama ng anak niya?

Hindi niya puwedeng palitan ang ama ng bata kahit magkaroon siya ng ibang karelasyon. Dugo pa rin ni Patrick ang mananalaytay sa anak niya.

Sana, magkaayos na sila bilang magkaibigan.
__________________

2 Comments:

At 1:56 PM, Anonymous Anonymous said...

jen has the right to decide kc xa lng nmn mag isa ang naghirap ky aj.let us not pressure her kc xa ang naghirap hangang sa ipanganak c aj,ikaw patrick mghintay ka qng kailan mo makita c aj dhl wala kang ginawa noon nung kailangang kailangan k ng mag ina,may possibility na mgkaayos dn kayo pero you have to wait for that time,hnd madali ang pinagdaanan ni jen b4 kya don't expect n mapatawad ka ng ganun ganun n lng,hnd kc ikaw ang nghirap kya you didn't feel the pain,tapos ngayon na hnd kna kailangan ng mag ina saka ka susulpot,tapos sa mga interview mo pinapalabas mo n c jen ang masama dhl hnd pinapakita syo ang bata,how dare you.qng totoo ang balita na u are trying to reach out jen thru sending msg.,yan ba ang sinasabi mong effort....so cheap.qng concern k s ang anak mo dpt lunukin mo pride mo paminsan minsan,puntahan mo mag ina,dami mo kasing reason...mgsama kyo ng nanay mo na uneducated.

 
At 1:17 PM, Anonymous Anonymous said...

,ur macie right? hi..just want to say that i 100% agree sa mga sisnbi mo.. tama ka'

 

Post a Comment

<< Home