Thursday, December 24, 2009

SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated December 24, 2009 12:00 AM

Isang magandang role sana para kay Ariel Rivera kung nakuha niya ang role na unang ginam­panan ni Eddie Garcia sa Gumapang Ka Sa Lusak. Naging balakid lamang ang kan­yang kaguwapuhan.

Bibihirang mabigyan ng role si Ariel sa pe­likula at maging sa telebisyon. Magaling naman sana siyang artista. Nakakalungkot talaga na dahil sa kanyang looks ay nawala ang role sa kan­ya. Kung pumangit-pangit lamang siya ng kaun­ti, baka pa. Sinabi ng nagka-casting sa gagawing serye ng GMA na naging isang matagumpay na pelikula ng Viva Films na kung kamukha ng asawa ni Gelli ang kukunin niya, bibigay agad ang bidang babae, hindi na ito mag-iisip pa.

Ang dating role na ginampanan ni Dina Bonnevie ay ibinigay kay Jennylyn Mercado.

Samantala, mukhang dumating na ang mata­gal nang break na hinihintay ni Prince Stefan. Sa kanya na-assign ang role na ginam­panan nun ni Allan Paule sa Gumapang Ka Sa Lusak.

* * *

0 Comments:

Post a Comment

<< Home