Friday, February 27, 2009

Manager defends Jennylyn against malicious rumors

Roldan Castro
02/26/2009 | 10:00 PM

Galit na galit pa rin si Jennylyn Mercado sa tabloid na Pinoy Parazzi dahil ayaw raw kasi siyang tantanan nito. Nakukumbinsi na sana ang aktres ng kanyang manager na si Becky Aguila at ng legal counsel nito na si Atty. Joji Alonso na huwag nang ituloy ang kanyang demanda laban sa naturang tabloid dahil sa paglalabas ng larawan ng kanyang anak na si Alex Jazz sa binyag nang walang permiso

Pero nabuhay na naman ang galit ni Jennylyn at ngayon ay kinakausap niyang muli ang kanyang lawyer para ituloy na ito.

Patuloy raw kasi na ginagawan ng negatibong balita si Jennylyn sa naturang tabloid at parang pino-provoke na ituloy ang demanda laban sa kanila. Ayon sa mga report na lumabas sa Pinoy Parazzi, kesyo mareremata na raw ang bahay nito, laos na, at patuloy rin siyang iniuugnay kay Sen. Bong Revilla, na nakasama noon ni Jennylyn sa pelikulang Resiklo.

Respeto lang naman daw ang hinihingi ni Jennylyn sa naturang publikasyon.

Kaugnay ng mga naglalabasang isyu kay Jennylyn, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ng aktres na si Becky Aguila upang linawin ang mga ito.

"Paano mareremata yun [Jennylyn's house] samantalang rent to own yun ng six years?" sabi ni Becky. "Hindi bigay yun ni Senator Bong Revilla. Bakit inuulit ang isyu? Tuldukan na 'yan. Unfair kay Jen at kay Senator. Hindi mangyayari 'yan. Nakakahiya kay Lani Mercado [wife of Bong]. Matagal nang tapos ang Resiklo. Kawawa naman si Jen. Hindi siya ganoon. Huwag pababain ang reputasyon niya! Tuldukan na 'yan.

"Puro negative na lang ang inilalabas kay Jen doon," patuloy ng manager. "Paano kung mawalan ng trabaho dahil sa ginagawa nila? Tigilan na nila si Jen. Naghahanap-buhay lang yung tao para sa anak niya at sa nanay niya. Siya ang mag-isang nagtataguyod sa baby niya at walang ama na nagsusustento kaya maawa naman sila. Paano siya makakapagtrabaho nang diretso kung ayaw siyang lubayan ng mga detractors niya?"

Sa kasalukuyan ay regular na napapanood si Jennylyn sa GMA-7 Sine Novela na Paano Ba ang Mangarap?, kung saan katambal niya si Mark Herras. Ayon sa survey ng AGB Philippines sa Mega Manila, maganda ang ratings ng pagbabalik-tambalan ng dalawa.

On May 14 and 16, magkakaroon ng birthday concert si Jennylyn sa Music Museum titled I Am Woman. Mga guests niya rito sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Christian Bautista, Richard Poon, at si Mark Herras. Front acts naman sina Nico Antonio, Jasmin, at Jema Fitzgerald at Boys on D' Dance Floor. - Philippine Entertainment Portal

Wednesday, February 25, 2009

Jennylyn Mercado's townhouse, repossessed?

by Tita Swarding
February 25-26, 2009
pinoyparazzi.com


OLA CHIKA! KUNGnoong isang linggo, nailabas ko rito sa column ko sa Pinoy Parazzi ang pagkakadawit sa pangalan ni Rosanna Roces sa isyu bahay ni Jennylyn Mercado na diumano’y bigay o galing sa bulsa ng guwapong senador na si Bong Revilla.


Hindi pala iyon bigay ng guwapong senador. Nakausap ko mismo, kasama si Ivy Batula, ang friend umano ni Jennylyn at nagulat ako sa sinabi nito. May malaking problema raw financially itong si Jennylyn, huh! At ang nasabing bahay, malapit na palang marimata!


Matagal na raw hindi nababayaran ng hitad ang bahay nito. Kaya kung hindi raw magagawan ng paraan, rerematahin na ang bahay, at kung hindi nga mababayaran, malamang na matulog sa kangkungan itong si Jennylyn. Kaya nga raw kuntodo-kayod ang dalagang ina upang mabayaran ang lahat ng pinagkakautangan nito, huh.


Naloka nga ako sa pahayag na ito ng aking source na kung hindi ako nagkakamali, kapitbahay rin ni Jennylyn. Nakakaloka namang talaga!


‘Eto pa. Nangatog diumano si Jennylyn tungkol sa isyung pinalabas niya noon na magsasampa siya ng kaso laban sa Parazzi. Lalo na nga’t sinagot ito ng pamunuan ng pahayagang ito na hindi siya uurungan.


Ang tanong nga, eh, nasaan na ang sinasabi ng hitad na magsasampa siya ng kaso, huh?! Na kesyo nilabag daw ang karapatan niya at ng kanyang anak, huh!


Ang chika, nakapag-isip-isip na raw si Jennylyn na iatras na lang ang kaso, dahil iyon din ang payo sa kanya ng kanyang abogado. Magastos nga naman at magsasayang lang siya ng pera. Hmm… ‘yang ibabayad mo sa kaso, hija, ihulog mo na lang sa utang mo sa bahay, upang mabawasan ang problema mo.


Kaya pala mistulang busina ng sasakyan ang bibig ni Jennylyn nu’ng nakuhanan ng larawan ang anak, at sinakyan niya ito dahil lost in space na siya, or laos na. Hahaha! At isa pang dahilang kung bakit siya nag-iingay, eh, kasi nga ipinalalabas ang panghapon nilang programa ni Mark Herras.


Ingrata kung tawagin si Jennylyn, at mahilig ngang sumakay sa isyu para makapag-ingay. Ngayong nabulgar na ang kanyang ‘modus operandi,’ ewan ko na lang kung ano na namang gimik ito, huh!

By Dolly Anne Carvajal
Philippine Daily Inquirer
First Posted 17:44:00 02/24/2009

MANILA, Philippines—Was Katrina Halili crying her heart out to Jennylyn Mercado backstage? Is it because there’s trouble in paradise for her and Kris Lawrence? Insiders insist that Kris is wooing EB Babe Zaida.

Could Katrina be getting a dose of her own medicine after she had a liaison dangereuse with Hayden Kho?

“Nope, there’s no third party involved,” Kat’s friend clarifies. “She and Kris just had a little misunderstanding about their priorities. She asked Jen for advice because they’re close and marami na siyang (Jen) napagdaanan sa love.”

Strange that Kat is now saying that she and Kris were never an item. Were they just travel mates when they flew to the US to visit Kris’ folks?

That’s a whatchamacallit relationship. And they loved never ever after!

Jennylyn ready to work with Patrick

DIRECTLINE By Boy Abunda
Updated February 25, 2009 12:00 AM
Philippine Star


It looks like Jennylyn Mercado is softening up on Patrick Garcia. Tabloid reports say that Jenn is no longer mad with Patrick and is even willing to work with him. Still according to tab reports, Jenn, in the name of professionalism, won’t be distracted by whatever bad blood going on between her and Patrick. She allegedly even joked that she can do kissing scenes with him because she is used to kissing him anyway.


---------


Written by Boy Abunda
February 25-26, 2009
pinoyparazzi.com

After everything that has been said and done, Jennylyn Mercado has finally declared na hindi na siya galit at handa na siyang makatrabaho muli si Patrick Garcia who is the father of her son Alex Jazz. Okay rin daw sa kanya kahit magkaroon pa sila ng kissing scene dahil sanay naman daw siyang halikan ito.


I think Jennylyn’s change of heart is good news. Sabi ko nga, lahat ng bagay ay lumilipas. Maybe this is the first step para magkaayos na silang dalawa. Ruffa said this will be good for their child.