Saturday, May 02, 2009

Mga Mata ni Lolita
Lolit Solis

TALAGANG TINOTOO NA ni Jennylyn Mercado ang pagbura kay Patrick Garcia sa isip at sa buhay niya.

Nu’ng mag-guest ito sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, ayaw niyang ipatanong ang tungkol kay Patrick dahil ganu’n at ganu’n pa rin naman daw ang sagot niya.

Ngayon pa lang, pinaghahandaan na niya ang nalalapit niyang kaarawan dahil iri-release na ang coffeetable book niya, kung saan doon naka-document ang kanyang pagbubuntis hanggang sa panganganak.

Marami pa siyang mga litratong doon lang makikita sa librong iyon. Kaya kung gusto ni Patrick na makita ang kanyang anak, bumili na lang siya dahil walang balak daw si Jennylyn na bigyan ito. Kahit nga discount, wala raw balak si Jennylyn na bigyan ito.

Sa May 14 at 16, meron siyang concert sa Music Museum at paano kaya kung manonood doon si Patrick? Naku dedma lang ang Jennylyn! Baka nga pati sa Music Museum, hindi welcome si Patrick dahil talagang wala na raw, as in wala!

Kasi naman hindi mawala-wala ang isyung karelasyon daw talaga nito ang VJ na si Andrei Felix dahil may mga nakakita na magkasama sila. Pero todo-deny pa rin si Jennylyn. Basta concentrate na lang daw siya sa trabaho para sa kanyang anak at maganda naman kasi ang mga project na ibinibigay sa kanya ng GMA 7.

Monday, April 27, 2009

'Bagong buhay, bagong pag-asa' - Jennylyn

PERUSE ME Ni Ronnie Carrasco
Updated April 27, 2009 12:00 AM
PSN


Two of Becky Aguila’s artists—Angel Locsin and Jennylyn Mercado—are taking off from where they left. Makaraan ng kani-kanyang not-so-pleasant past, both Angel and Jen are more prepared to take on greater challenges.

Sa araw na ito, Lunes, magsisimula nang ipatikim sa atin ni Angel ang Korean-seasoned, Pinoy-flavored na putaheng Only You where she plays Jillian, the chef caught between two equally delicious men sa katauhan nina Diether Ocampo at Sam Milby.

Almost a month din nag-shoot ang OY cast at crew in such cities all over South Korea, making every Rory Quintos-directed scene look like a glossy postcard.

Samantala, coinciding with her concert at the Music Museum on May 14 ay ang pre-selling ng coffee table book ni Jen titled Reborn. And why the title?

“Bagong buhay, bagong pag-asa,” matipid na sagot ni Jen leaving behind the ugly scars of her romantic past. Ayon sa manager nitong si Becky, may 2,000 copies lang daw ang kanilang ipinaimprenta as the book, that chronicles the pregnancy of Jen all the way to the actual delivery of her baby, is on limited edition.

Between P750 and P850 raw ang halaga ng libro, admittedly may kamahalan to cover the exorbitant printing cost. But Reborn, says Jen, is one of inspiration to young women like her na kakayaning itaguyod nang mag-isa ang anak kahit wala itong kinikilalang ama.

* * *

Vinia Vivar
People's Journal

Ayon sa manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila, sobrang sipag daw ngayon ng young actress sa paghahanda para sa nalalapit niyang birthday concert na I Am Woman.

Halata nga raw na-miss ni Jen ang pagkanta at pagpe-perform dahil excited na excited na raw ito sa concert na gaganapin on May 14 at the Music Museum .

Pati nga raw ang mga fans ni Jen ay nasabik sa young actress kaya naman inaasahan ni Tita Becky ang pagsuporta ng mga ito sa concert.

Pero ang isang inaabangan tiyak ng kanyang mga tagahanga sa concert ay ang appearance ng dating boyfriend at ka-loveteam na si Mark Herras.

The two were reunited this year in the soap opera Paano Ba Ang Mangarap, which marks a more mature screen persona for both of them. The soap is rating well, and proves that Jennylyn still has solid support coming from her fans and the fans of her team-up with her ex-boyfriend.

Mark will do a dance number and will also perform a duet with Jen during the concert.

Bukod kay Mark ay guest din sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Christian Bautista, Richard Poon, Prince of R&B Jay-R, fast-rising singers Nico Antonio, Gemma and Jasmine Fitzgerald.

I Am Woman is a production of Eagle Eye Entertainment Production Inc. and JLC Entertainment. For tickets, call Music Museum at 721-0635 and 72-16726 or Ticketworld outlets at 891-9999.

Sunday, April 26, 2009

TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis
Updated April 26, 2009 12:00 AM

Lalabas na ang coffee table book ni Jennylyn Mercado. Magkakaroon ng pre-selling ang libro sa araw ng concert ni Jennylyn sa Music Museum sa May 14.

Reborn ang title ng coffee table na akala ng iba eh press release lang dahil napakatagal bago lumabas.

Aligaga na si Jennylyn sa promo ng kanyang concert at coffee table book kaya tumahimik na ang mga nang-iintriga na drawing lang ang kanyang mga project.

Eight months na ang anak nina Jennylyn at Patrick Garcia na si Alex Jazz. Malapit nang maglakad ang bagets pero hindi pa ito nasa-sight ng kanyang ama.

Ini-encourage ni Jennylyn si Patrick na bumili ng maraming kopya ng coffee table book dahil mapupunta raw sa trust fund ng kanilang anak ang kikitain ng Reborn. Bumili kaya si Patrick ng maraming kopya?

* * *

“ In God’s time” ang sagot ni Jennylyn nang itanong namin nina Joey de Leon, Butch Francisco at Ricky Lo ang puwedeng gawin ni Patrick para magkasundo na sila.

Base sa sagot ni Jennylyn, wala siyang balak na makipag-reconcile sa ama ng kanyang anak.

Saka na lang daw siya mag-iisip ng sagot kapag naghanap na ng tatay ang anak nila ni Patrick . Pupusta ako na darating ang araw na magiging maganda uli ang relasyon nina Jennylyn at Patrick dahil walang sugat na hindi ginagamot ng panahon.