Wednesday, May 20, 2009

MARAMI ANG NANINIWALA na gimik ‘yung pagiging missing in action ni Jennylyn Mercado to drumbeat her concert. But as far as her manager Becky Aguila was concerned, Jen’s no-show in her supposed Strartalk guest appearance last Saturday caused her anxiety.

Paano raw siyang hindi mababahala, Jen would neither pick up her cellphone nor reply through text. Siguro naman if Jen had planned an agenda, hindi niya para itaya ang kanyang image as well as her relations with GMA 7.

Balita ko, may sanctions na ipapataw ang network kay Jen. Hindi naman kasi biro ‘yung sinunod lahat ng programa ang kanyang guesting conditions only to bungle its sequence!
Here’s hoping that her work attitude does not affect her professional ties with Belo Medical Clinic as its latest endorser.

Sunday, May 17, 2009

ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles

Nag-text si Becky Aguila, manager ni Jennylyn Mercado para ibalitang successful ang I Am Woman birthday concert nito last May 14. Maraming nanood at happy sila ng co-producer niyang si Luana Co sa ticket sales, pero ‘di niya nasabi kung bakit wala siya sa concert.

Bahagi pa ng text message ni Becky: “It was a great show. Perfect casting combination. Jen was also dead set gorgeous. Jen cried when she got a birthday cake from Katrina Aguila and Luana, best mom frame from mommy Lydia with her fans onstage. The audience sung happy birthday. She was overwhelmed with joy. Jen sung Angels in tears, dedicated to baby Jazz. Jen pulled it thru.”

Kahit tapos na ang concert, tuloy ang pagiging busy ni Jen dahil hindi pa man tapos ang Paano Ba Ang Mangarap?, magti-taping na rin siya ng SRO Cinemaserye at siya rin daw ang gaganap na Jodi sa Stairway to Heaven at makaka-pareha ni Dingdong Dantes.

By: Vinia Vivar

Hindi nakarating ang manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila sa I Am Woman concert ng young actress held at Music Museum last May 14 kaya lalong tumindi ang espekulasyon na may away nga silang dalawa tulad ng napapabalita.

Pero ayon sa manager ay walang katotohanan na may gap sila ng alaga.

“Okay kami ni Jen. In fact, magka-text kami before and after the show. I congratulated her for the success of the show and for a job well done,” paglilinaw ng manager.

Wala man siya sa event ay nakarating sa kanya ang magandang balita na sold out ang tickets at maayos na nakaraos si Jennylyn kahit masama ang pakiramdam nito that night dala pa rin ng pagkakasakit ng young actress last week.

Overwhelmed din siya sa magagandang reviews na naglalabasan about the concert.

“I’m very proud of Jen because despite her health conditions, she performed to her best. The show went on smoothly. Thanks to everyone who participated and supported Jennylyn’s concert. Nagpapasalamat din ako sa kinuha kong wardrobe stylist na si Pam Quinones. Ara and Nante for hair and make-up and of course, the director of the show, Calvin Neria.”

Hindi raw siya nakarating dahil nahihirapan siyang umakyat sa stairs ng Music Museum due to her knee operation in the past pero nagpadala naman siya ng birthday cake and flowers na siyang ibinigay kay Jen at the end of the show.

Matatandaang lumutang ang balitang may gap sila dahil sa recent controversy ng pagkawala ni Jen pero ayon kay tita Becky, nagkaroon lang daw talaga ng miscommunication that day sa pagitan nilang dalawa kaya nagkasalungat ang kanilang pahayag.

“Hindi lang siguro kami nagkaintindihan dahil pareho kaming stressed and under pressure that time. ’Yun naman pala ay may sakit siya,” say ni Tita Becky.

Medyo okay na raw ang health ni Jen ngayon pero nag-request ito sa kanya to take a one-week rest. Plano raw ng young actress na pumunta ng US para magbakasyon.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

WALA PA AKONG balita kung ano ang nangyari sa concert ni Jennylyn Mercado kagabi, dahil nakakaloka ang nangyari dito sa young actress kaya hindi ito nakapag-promote nang maayos. Dalawang araw nga itong nawala at hindi man lang sumasagot ng mga tawag.

Nilinaw naman ni Jennylyn na hindi gimik ‘yung pagkawala niya. Alam kong nagkaroon talaga ng problema, pero ayaw na niyang palakihin pa ito dahil may kinalaman yata sa tampuhan nila ng manager niyang si Becky Aguila.

Nakiusap naman si Becky na kung maaari huwag na lang patulan itong mga negatibong isyu at baka makaapekto pa raw ito sa birthday concert ni Jennylyn. Ang concern lang naman daw niya, mabigyan ng proteksiyon si Jennylyn kaya hindi na rin daw siya magsasalita.

Ang pagkakaalam ko, isa sa problema nila ay itong coffeetable book ,dahil hindi pa rin pala ito tapos hanggang ngayon.

Nairita na si Jennylyn dahil anong mukha pa raw ang ihaharap niya na lagi na lang siya nagpu-promote nitong libro na iri-release na, pero hindi pa rin pala. Ayon kay Becky, nagkaproblema pa raw sa creative artist nila at hindi na ito tinapos.

Kailan lang ito na-turn over sa kanila kaya ibinigay na raw niya ito sa photographer nilang si Jay Tablante at ito na ang magtatapos ng layout para ma-submit na sa printing press.

Hindi kaya isa ito sa problema nila ni Becky? Pero in-assure naman ni Becky na tuluy-tuloy na ang pagawa nito kaya lang sobrang disappointed na si Jennylyn dahil ang dami na ang gustong umorder sa kanila, wala siyang maibigay.

Ang sabi ni Becky, sa first birthday na raw ni Alex Jazz sa August nila ito iri-release dahil tamang-tama para naman daw talaga ito sa bata. Sana matuloy na nga dahil malapit na itong mabantilawan. Baka mamaya, malaki na ang bata, hindi pa rin mailalabas iyang coffeetable book na iyan!