Friday, August 28, 2009

Mark and Jennylyn, balik prime time!



Article posted August 28, 2009

Totoo ang balita--Jennylyn Mercado and Mark Herras are returning to our television screens as a love team! And hindi niyo na kailangan maghintay ng matagal dahil magsisimula na ito this coming September. Text and Photos by Jason John S. Lim.

starsGinanap kahapon, August 27, ang story conference ng bagong Telebabad soap ng GMA na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Pauleen Luna at Mark Herras.

"We feel so blessed," Jennylyn tells iGMA after the conference kung saan ikinuwento sa kanila ang mga magiging papel nila sa story.

The actress tells us na "masarap yung feeling" na magkaroon ulit ng show and one where is partnered with StarStruck love team again. "Kasi siyempre yung mga fans, iba yung feeling na napagbibigyan mo sila. Lalo na yung mga supporters namin ni Mark, hindi nagpapapigil."

Jennylyn says that even after all this time, "ang dami nang nangyari sa buhay naming dalawa. Hanggang ngayon, sinusuportahan pa rin [nila] kami."

Kahit si Mark, masaya sa panibagong pagkakataong makasama si Jennylyn sa isang soap."Happy ako dahil, I mean, this is another chance to prove our love team ni Jen," he tells us. "And Direk Joel [Lamangan] ulit, so talagang masayang-masaya. And with Miss H (Helen Sese, executive producer)!

"We're hoping na magiging okay 'yung palabas namin," he ends.

Sa mga hindi nakakaalala, nagkasama-sama na rin sina Mark, Jennylyn, Direk Joel at Pauleen noon sa Metro Manila Film Festival entry na Blue
Moon.

"Kung hindi pa binanggit ni Direk Joel yan, hindi ko maaalala!" banggit sa amin ni Jennylyn. But, she says, that history behind them will help make this new show more comfortable para sa kanilang lahat.

Sabi ni Jen, "Nung ginagawa naman namin 'yung Blue Moon, ang saya naman nung grupo namin." Yan daw ang reason kung bakit, sa tingin niya, magiging masaya rin ang taping nila for their new show. Biro pa niya, "Siguro maaga kami matatapos dahil si Direk Joel."

In all seriousness, Jen says she's looking forward sa paggawa ng isang soap na hindi lang masaya para sa mga viewers, pero para rin sa mga taong bumubuo nito.

starsMark promises, "Siyempre gagawin namin lahat ni Jen and ng buong grupo 'yung magagawa namin, yung makakaya namin, para ipakita sa kanila na hindi naman sayang 'yung binigay nilang opportunity sa amin ni Jen."

He adds that he's very thankful sa GMA Network at sa lahat ng tao na naniniwala at nagtitiwala sa kanilang kakayahan.

Dagdag pa ni Jennylyn, "thankful kami sa lahat ng mga supporters namin na hanggang ngayon hindi pa rin nagsasawa."

Kaya naman nang hingan siya ng message sa mga fans, ito ang kanyang sinabi:

"Maraming salamat sa paghihintay niyo at sa pagsuporta. Abangan niyo itong [show], papagandahin namin ito para sa inyong lahat. At maraming salamat."

Mark and Jennylyn's new prime time offering will replace All My
Life this September.

Be always in the loop with Fanatxt! Just text JENNYLYN(space)ON or MARK(space)ON and send to 4627 sa kahit anong telco, para lagi kang updated sa kanila. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)

Be updated sa iyong favorite Kapuso stars! Feel the fun at iGMA.tv!

Mark at Jennylyn, may magic pa rin ang loveteam

(ABU TILAMZIK)


NAG-STORY CONFE*RENCE kahapon ang bagong primetime series ng GMA 7 na ipapalit timeslot ng All My Life.

Hango sa awitin ng The Company na Now That I Have You ang title ng bagong seryeng ito na pagbibidahan nina Mark Herras, Jennylyn Mercado at Pauleen Luna.

Naniniwala pa rin ang GMA 7 sa magic ng loveteam nina Mark at Jennylyn kaya sila pa rin ang pinagsama.

Kumportable na sa isa’t isa sina Mark at Jennylyn pero nandiyan pa rin daw ang panibagong challenge sa kanila kung paano nila ma-maintain ang magic.

Ang kaibahan lang ngayon, kasali si Pauleen na katriyangulo sa kanilang loveteam.

Posibleng mabalik kaya ang magandang pagti*tinginan nina Mark at Jennylyn?

“Hindi naman po malayong mangyari iyun, Kaya lang mas naka-focus kami ngayon sa show,” sagot ni Mark.

Monday, August 24, 2009

TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) Updated August 23, 2009 12:00 AM

Imposibleng hindi nami-miss ni Patrick Garcia ang anak nila ni Jennylyn Mercado. Isang taon na ang bagets at never pa itong nakikita ni Patrick mula nang isilang.

Matagal nang gustong madalaw ni Patrick si Alex Jazz pero hindi open sa idea si Jennylyn na makita niya ang kanilang anak.

May kasabihan na ginagamot ng panahon ang mga sugat. Darating at darating ang araw na magkakasundo rin sina Jennylyn at Patrick.

* * *