Friday, November 27, 2009

Abu Tilamzik

Finally, napag-usapan namin ni Jean Garcia ang tungkol sa pinagdaanan niyang trauma­tic na karanasan dulot ng bagyong Ondoy.

Nakatsikahan namin si Jean sa presscon ng Ang Darling Kong Aswang na entry ng OctoArts at M-Zet Productions sa Metro Manila Film Festival.

Ang isa sa ipinakiusap ni Jean ay huwag na sanang lagyan ng isyu ang hindi pagka-rescue sa kanila dahil tapos na iyun at ayaw na niyang pag-usapan iyun.

Nilinaw kasi namin kay Jean kung totoo itong nakarating na balita sa aming may ilang pulitiko na dumating doon para mag-rescue sa mga na-trap sa baha pero pinili ang mga tinulungan nito at hindi man sila pinansin.

Itinanggi ito ng aktres dahil nagpapasalamat pa rin siya na safe silang mag-anak.
Kahit hindi sila na-rescue at naghintay lang sila na bumaba ang tubig, walang masamang nangyari sa kanilang lahat.

Malaki ang pasasa­lamat ni Jean kay Jennylyn Mercado at kay Mommy Lydia dahil sila ang nag-asikaso sa kanila pagkatapos nilang makalabas ng bahay.

“Kinikilabutan ako kapag naaalala ko iyun. Kasi, sila talaga ang nag-asikaso sa amin. Pag-akyat namin sa village nila, sila ang nag-asikaso sa amin.

“Hindi lang kami, pati mga kapitbahay namin na wala ring matulu­yan nu’ng oras na iyun. Napakabuting pamilya ng pamilya ni Jennylyn,” pahayag ng aktres.


Ang isa pang ipinagpasalamat ni Jean ay nakauwi siya ng bahay pagkatapos ng taping ng Stairway to Heaven.

“Nagpapasala­mat ako sa Panginon na nandu’n ako. Kasi, halimbawa, hindi pa ako nakauwi galing taping at hiwalay kami, nandu’n sila at alam kong in danger ang mga anak ko, tapos ako safe, baka tumambling ako nang bonggang-bongga. Promise!
“Kaya alam ko ang feeling ni Jigo (Garcia) na hirap siya na wala siyang magawa para matulungan kami. Tumutulong siya sa iba nu’ng time na iyun pero kami, hindi kayang tulungan.

“Pero okay pa rin, kasi, may mga natulu­ngan siya, at proud si Jenica sa tatay niya. At least, marami silang natulu­ngan na proud kami ni Jenica kay Jigo sa ginawa niya iyun,” patuloy ni Jean.

Nakalipat na ng bahay si Jean at nagsisimula na naman daw sila ng panibagong buhay pagkatapos ng mga trahed­yang pinagdaanan nila.

“Dinadasal ko na lang sa Diyos na sana, tama na. Huwag na sanang maulit ‘yung Ondoy ever, please, ‘di ba?

“Napaka-traumatic talaga. Hindi lang para sa amin, kundi sa mara­ming kababayan natin,” pagtatapos ng aktres.

Thursday, November 26, 2009

Abu Tilamzik

Nakausap ko kahapon si Atty. Joji Alonzo at kinlaro niya sa akin na hindi pa raw naka-sche­dule si Jennylyn Mercado na isalang sa witness stand kaugnay sa kasong isinampa nito laban sa dating PA na si Mel Pulmano.

Nilinaw ni Atty. Alonzo na hindi nila dini-delay ang pagdinig ng kaso dahil may series of hearing ito para madesisyunan na kung puwedeng magpiyansa si Mel na nakapiit pa rin sa Camp Karingal.

Ibang witness daw talaga ang naka-schedule kamakalawa pero malapit na raw isalang si Jennylyn.

Sa susunod na buwan ay marami pa raw silang hearing kaya isa sa mga araw na iyun ay pauupuin si Jennylyn dahil siya raw mismo ang complainant.

Nag-text din sa akin si Jennylyn na hindi raw siya pinapunta ni Atty. Alonzo dahil hindi pa siya ang naka-schedule, kaya hindi siya tumuloy sa hearing na iyun.

Hiningan ko na rin si Jennylyn ng sagot sa mga huling kuwento ni Patrick Garcia na nag-text daw ito at humingi ng apology sa kanya.

Base sa mga text ni Jennylyn, tila hindi nito natanggap ang ipinadalang text message ni Patrick, pero ayaw na raw niya itong patulan.

“Wala na ba siyang ibang puwedeng gamitin kundi kami ni AJ?” bahagi ng text ni Jennylyn.

Matagal na raw siyang nakapag-move on at masaya na raw siya sa buhay niya kaya sana, tumigil na raw si Patrick sa kagagamit sa kanila ng anak niya para mapag-usapan lang.

Abangan ang kabuuan ng kuwentong ito sa Startalk!

Sana, mapatawad na ni Jennylyn si Patrick

Joe Barrameda


Muli naming nakita ang nagbabalik na si Patrick Garcia na guwapung-guwapo at seryoso na yata ito.

May mahalagang role siya sa Full House . As usual, ang itinatanong sa kanya ay ang nasirang relasyon nila ni Jennylyn Mercado.

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Patrick na makikita niya ng kanyang anak kay Jen.

Wish niya na bago mag-Pasko ay mahawakan man lang niya ito.

Nag-text siya kay Jen kamakailan. Ang paghingi ng tawad kay Jen, ang wish na makita ang anak at ang pangarap niya na magkaayos sila ni Jen bilang magkaibigan ang nilalaman ng text.

Diyos lang ang makakaalam kung kailan pagbibigyan ni Jen ang hiling ni Patrick.

Sa gumagandang istor­ya at mataas na ratings ng Ikaw Sana ay sana maging daan na ito para mapatawad ni Jen si Patrick.

Ano ba naman ‘yung lumipas na mahabang panahon?

Gusto pa ba ni Jen na dala-dala niya sa kalooban niya ang galit niya sa ama ng anak niya?

Hindi niya puwedeng palitan ang ama ng bata kahit magkaroon siya ng ibang karelasyon. Dugo pa rin ni Patrick ang mananalaytay sa anak niya.

Sana, magkaayos na sila bilang magkaibigan.
__________________

Wednesday, November 25, 2009

Help wanted: Patrick Garcia needs Jen's new number

By ALEX VALENTIN BROSAS
November 24, 2009, 5:15pm

Actor Patrick Garcia has tried revving up communications with ex-girlfriend Jennylyn Mercado recently but failed to establish connection.

"I have four of her numbers. Nag-text ako. Hindi ko alam kung sa kanya pa rin ang mga numbers na iyon. Pero wala siyang reply. Feeling ko, hindi na sa kanya iyon," Patrick shared to members of media who attended the "Full House" presscon held at 55 Events Place, Quezon City last Nov 23.

Undaunted, Patrick said he will try to find out Jen's new number so he could text her.

"Ayaw kong tumawag. Mas maganda iyong iparamdam ko muna," he explained.

The actor admitted he is dying to see his son Alex Jazz whom he has only seen in photos and on television.

He recounted finding the perfect gift for his baby while taping for "Full House" in Prague, Czech Republic.

"Pumunta kami ni Richard sa isang store. May nakita akong gloves na maliliit. Maganda, may pang-baby. Parang I wanted to buy it kaso hindi ko alam ang size (ng kamay ni AJ). Gusto ko sanang bumili pero hindi ko pa nga nakikita ang anak ko," said he.

So, did he opt for something else?

"Secret!" Patrick quipped.

The actor said he has not set a deadline for when and where he would see his baby.

"Wala akong sasabihin na date basta gagawin ko na lang. Siyempre, the mother always has the right... I respect her. Gusto ko siyang maging masaya kapag nakita ko ang anak ko."

Patrick believes Jennylyn will eventually allow him to see their bundle of joy.

"Hindi naman ganoon kasama si Jen [para di pumayag pag lumaon]," Patrick said.

The actor claims he is loveless at the moment although he confirmed rumors that he hangs out constantly with actress Glaiza de Castro even outside their "Kung Aagawin Mo Ang lahat Sa Akin" tapings.

"[But] we're [only] good friends. I like her pero it's better na dahan-dahan muna. Trabaho muna."

Patrick Garcia, patuloy na nagmamakaawa kay Jennylyn “Give me a chance!”

(ROSE GARCIA)



“GIVE me a chance,” ang patuloy na mensahe ni Patrick Garcia sa ina ng anak niyang si Alex Jazz na si Jennylyn Mercado.


Open book sa l­ahat na hanggang ngayon ay matigas pa rin si Jennylyn na hindi ipakita o ipakilala ang anak na si AJ sa ama nito.


Aminado si Patrick, nasasabik na siya na ma­ya­kap man lang ang anak niya. In fact, gumawa na rin daw siya ng move, na kung saan ay nagpadala raw siya ng text message kay Jen.


“Pero huwag na lang nating anuhin… basta kung anuman ‘yung gusto kong sabihin, personal ko na lang sasabihin. I’m not comfortable… parang I want to be careful in doing anything. I don’t want to… na baka makasira sa sana ay pagiging okey namin,” seryosong sabi ni Patrick.


“I’m making my steps slowly but surely. Ayoko kasing makasira,” dugtong pa niya.


Hiniling ba niya na sana ay nakasama niya sa Prague nu’ng nagti-taping sila ng Full House, si AJ?


“Kahit hindi naman sa Prague, kahit saang parte ng mundo, gusto kong makasama siya.”


Umiiyak pa rin ba siya?


“I’ll just keep it to myself na lang,” sagot niya.


Anyway, hindi na raw mabilang ni Patrick kung ilang regalo na ang binili niya na nasa bahay nila, para ibigay sana sa anak. Tulad na lang noong nakaraang birthday nito at Christmas.


Palagi rin daw siyang nasa nursery section ng mall. At inamin din niya na kailan lang ay bumili siya ng helicopter. Isang malaki at isang maliit.


Biro namin kay Patrick, bakit hindi na lang niya ipa-FED-EX o LBC kaya?


“Ang bad mo!” nata­tawang sabi niya sa amin.


“Siyempre, I’m still waiting for the time na maibibigay ko rin ‘yun sa anak ko ng personal.”


Aminado si Patrick na dahil hindi pa niya nakakasama o nakikita ang anak, hindi pa raw niya alam kung paano ang maging isang daddy.


“Hindi ko pa talaga alam kung ano ang nararamdaman ng isang dad.

Siguro, when I get to see him.”


Sa tingin ba niya ay darating pa rin pagkaka­taon na `yon?


“I hope…I hope. I know that Jen is not naman that bad. That’s why I am taking things slowly. Mahirap madaliin.” Walang ibang wish, at tila nagmama­kaawa na nga si Patrick, na ngayong dara­ting na Kapaskuhan ay makita at mayakap ang kanyang anak.

Patrick, nag-sorry kay Jennylyn

Abu Tilamzik


HINDI sinipot ni Jennylyn Mercado ang hea­ring ng kasong isinampa niya laban kay Mel Pulmano kahapon nang umaga sa Branch 77 ng QC-RTC sa sala ni Judge Vivencio Baclig.

Dapat ay isa si Jennylyn sa isasalang sa witness stand pero hindi siya dumating kaya sa susunod na hearing na lang daw ito na naka-schedule sa December 7.

Kasama rin daw dapat si Becky Aguila na pauupuin pero wala rin ito at sumama yata kay Angel Locsin sa Amerika.

Ang isa sa mga witness na tinawag kahapon ay ang tauhan ng UCPB Morato Branch na si Mark Lester Chavez kung saan isinalaysay nito ang pag-open ni Jennylyn ng account sa naturang bangko kasama si Mel.

Pumayag daw si Jennylyn na si Mel ang mag-represent sa kanya sa bangkong iyun.

Sandali lang ang mga pagtatanong ng abugado ng complainant na si Atty. Lani Barcenas na gusto lang nitong palabasing nang mag-open ng account si Jennylyn sa naturang bangko, in-insist ni Mel na siya na ang kontakin ng naturang bangko at hindi na si Jennylyn.

Mabilis din ang cross-examination ng abugado ni Mel na si Atty. Cornelio Samaniego III na nilinaw lang nito sa harap ng korte na walang pagtutol iyun kay Jennylyn at nasaksihan mismo ng naturang staff ng UCPB.

Ipinagdiinan din ng abugado ni Mel na sana, bilisan ang pagdinig ng naturang kaso dahil habang tumatagal, nagdurusa si Mel sa kulungan at hindi pa napagdesisyunan na makapag-bail at bigyan ng pansamantalang kalayaan.

Maluha-luha na namang nagpahayag si Mel na sana, matapos na ang paglilitis para lumabas na ang katotohanan at mabigyan siya ng katarungan sa nangyari sa kanya at managot ang dapat managot.

***

Hindi pa rin natatapos ang isyu nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Inungkat itong muli kay Patrick nang humarap ito sa movie press nu’ng presscon ng Full House kamakalawa.

Ikinuwento ni Patrick na bago siya umalis patungong Prague para mag-taping ay nagpadala ito ng text message kay Jennylyn.

Ibinahagi niya sa ilang movie press na na­kausap niya nu’ng gabing iyun ang nilalaman ng mensaheng ipinadala niya kay Jennylyn na naka-save pa sa kanyang cellphone.

“I don’t know if this message will have a good or bad effect, but I know I’m doing this with no­thing but good intentions.

“I wanna apologize for everything I’ve done wrong. I apologize from the bottom of my heart.

“I’m hoping that one day we’ll be okay and maybe be good friends, and of course I’m exci­ted and can’t wait to see and most of all hold our baby. I always pray that you’ll give me that opportunity.”

Limang numero ang pinadalhan ni Patrick ng text message pati ang mga kaibigan nito para matiyak lang na makarating ito sa young actress.

Sana raw ay makara­ting ito kay Jennylyn dahil iyun lang ang wish niya sa darating na Pasko na makasama ang kanyang anak.

“One year na eh, so medyo mag-isip-isip ka na, di ba? Ayoko na sanang magsalita, kasi, baka makasira pa sa pinaplano ko.

“Ayoko namang i-showbiz pa, so, sana ma­bigyan lang ako ng chance na makapag-usap kami, hindi sa harap ng kamera,” pahayag ni Patrick.

Nangingilid na ang luha ni Patrick nang nakausap namin dahil ami­nado siyang malungkot siya lalo na’t wala pa ring linaw sa kanya kung makikita at mahahawakan na ba niya ang anak niyang si A­lex Jazz.

Mabuti’t kahit paano ay abala siya sa taping ng Full House at masaya siya sa role na ibinigay sa kanya.

***