Wednesday, January 20, 2010

Jennylyn, imbiyerna pa rin kay Ryza!

by Nitz Miralles
Tuesday, 19 January 2010 18:01

Sa January 26 na ang first taping day ng TV remake ng Gumapang Ka sa Lusak na pagtatambalan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

Parehong excited ang dalawa sa muli nilang pagsasama lalo’t drama at inamin ni Jennylyn na ninenerbyos siya dahil magaling na actor ang kanyang kapareha.

Sabi rin ni Jennylyn, mami-miss niya si Mark Herras, kapareha niya sa malapit nang magtapos na Ikaw Sana at umaasa siyang magkakapareha uli sila.

Ang inaabangan namin sa taping ng Gumapang Ka sa Lusak ay kung magkakabati na finally ang matagal nang may conflict na sina Jennylyn at Ryza Cenon dahil kay Mark.

The last time na nagkasama sila sa Dear Friend, hindi binati ni Jennylyn si Ryza kahit binati siya nito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home